Thursday , December 26 2024

Bayanihan magbabangon sa sambayanang Filipino (Sa kahit anong kalamidad)

PARA kay dating Speaker Alan Peter Cayetano, mas mabilis na makababangon ang mga nasalanta ng bagyo kung lahat ay magbabayanihan – kasama ang mga nasa rural, siyudad, mahirap man o mayaman, mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, malalaking korporasyon o maliliit na sari-sari store.

Lahat ng Filipino ay maaaring makatulong at maging ‘bayani’ sa panahon ng kalamidad. Hindi natin kailangan magkaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno. Kahit mga kabataan, magulang, guro, o miyembro ng simbahan ay maaaring mag-organisa para magbigay ng tulong maliit o malaki man ito.

Halos isang buwan pagkatapos bumaba sa puwesto si Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Kamara, nakita nating puspusan ang pagtulong ng kinatawan ng Taguig-Pateros sa mga nasalanta ng bagyo. Pagkatapos ng typhoon Rolly, bumisita siya at kanyang maybahay na si Rep. Lani Cayetano sa Tiwi at Daraga, Albay at Buhi, Camarines Sur para magdala ng tulong sa tricycle drivers, tourist guides, at nagtitindang nawalan ng trabaho at daan-daang pamilya na tinamaan ng bagyong Rolly.

Pagkatapos ng pananalanta ng bagyong Ulysses, dumayo ang grupo ni Cayetano sa  Rodriguez at Cainta, Rizal, at Marilao, Bocaue, Hagonoy, at Paombong, Bulacan.  Sa loob lamang ng dalawang linggo, halos 5,000 pamilya at 6,000 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na naging biktima ng nakaraang mga bagyo ang natulungan ni Cayetano. Personal niyang binisita at kinausap ang mga biktima ng kalamidad at iniabot ang mga donasyong nakalap.

Mayroong binuo ang Malacañang na inter-agency task force na tinawag na “Build Back Better Task Force” para tutukan ang programa ng gobyerno para sa rehabilitation at recovery ng mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang panig ng Filipinas. Suportado ni Cayetano ang pagtatag ng ganitong task force dahil naniniwala siyang hindi dapat natatapos sa pagbibigay ng relief goods lamang ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Sa katunayan, noong taon 2013, isa siya sa unang naghain ng bill para itatag ang Emergency Response Department na tututok sa disaster preparedness, relief operation, humanitarian assistance hanggang sa community rehabilitation.       

Hindi na bago kay Cayetano ang pag-oorganisa ng malawakang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Ginagawa rin niya iyon noong Senador siya. Habang siya ang nakaupong Speaker, noong kasagsagan ng CoVid-19 at lockdown noong Mayo, hinimok ni Cayetano ang kanyang mga kasamahang kongresista para magbigay ng kanilang mga suweldo para tumulong sa mga lugar at mga sektor na lubos na naapektohan ng CoVid-19.

Matatandaang nagdaos din ng sesyon ang Kongreso sa Batangas na ang mga kongresista sa pamumuno ni Cayetano ay harapang nakinig sa mga problema ng mga naging biktima ng pagputok ng Taal noong Enero. Nakatulong din ito para mas mapabilis ang pagpasa ng panukalang naglalayong magtatag ng isang Department na tututok sa pagtugon sa kalamidad na tatawaging Deparment of Disaster Resilience na isinusulong ni Pangulong Duterte.

Kahit hindi na siya Speaker ay hindi pa rin tumigil si Cayetano sa pagtulong sa mga naging biktima ng kalamidad. Bukod sa relief goods na ipinamahagi, nagpahayag din aniya ng mensahe ng pag-asa at kahalagahan ng pagdarasal para maging matatag ang mga biktima sa mga pagsubok.

Direktang nakinig si Cayetano sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo at sa mga punong bayan upang mas malaman niya kung paano sila matutulungan. Bilang isang mambabatas, mas epektibo ang ganitong paraan para marinig ang tunay na hinaing ng mga biktima at lokal na opisyal para makabuo ng pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bayan. Sa maayos na pag-uusap, mas maraming ideya ang lumalabas para malaman ang totoong pangangailangan ng mga taong bayan. 

Sa kanyang pakikipag-usap sa punong-bayan ng Marilao, Bulacan, halimbawa, ipinaabot ni Mayor Ricky Silvestre kay Cayetano ang mga ginagagawa ng lokal na pamahalaan upang linisin ang Ilog ng Marilao. Ngunit hindi kakayanin ng kanilang sariling pondo para magpatayo ng mga river wall para pigilan ang malakihang pagbaha. Sa pamamagitan ng kanyang social media, nanawagan si Cayetano ng tulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ibang mambabatas nang tulungang makapagpatayo ng river wall sa Ilog ng Marilao para magkaroon ng mas epektibong solusyon sa problema ng pag-apaw ng ilog.

Umapela rin si Cayetano sa kanyang mga kasamang kongresista at Senador na mas bigyan ng prayoridad sa budget ang mga pangangailangan ng mga ahensiyang direktang nagbibigay ng serbisyo sa panahon ng kalamidad at emergency tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of Health (DOH). 

‘Bayanihan’ ang mas mabisang paraan para makabangon sa mga krisis gaya ng CoVid-19 at kalamidad. Bilang isang bansa, tayo ay nasa iisang bangka na tumatawid sa dagat na may malakas na alon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *