Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Poe, Drilon kinuwestiyon ang pondo ng DSWD

NAGTATAKA si Senador Grace Poe kung bakit hindi nagagamit at nakatengga lamang ang napakalaking pondo ng DSWD na nagkakahalaga ng P2.2-billion para sa feeding program sa kabila na alam naman ng lahat na napakahalaga ng programang ito.

Sa Senate plenary debates para sa 2021 budget ng DSWD kamakailan, kinuwestiyon ni Poe kung bakit hanggang ngayon ay walang solusyon o alternatibong ginagawa ang kinauukulan para maipatupad ang feeding program.

Ang feeding program na ginagawa sa mga paaralan at mga day care center ay natigil dahil sa COVID-19 pero hindi ito dahilan na hindi makapag-isip ng solusyon ang DSWD para ang program sa mga kabataan ay maipatupad at maipagpatuloy.

Sabi nga ni Poe, bakit hindi ihatid mismo ng DSWD sa evacuation centers ang mga pagkain para sa mga kabataan lalo na ngayong maraming kababayan natin ang nasalanta dahil sa magkakasunod na bagyong tumama sa Luzon.

Maging si Senador Franklin Drilon ay nagulat din kung bakit napakalaki ng perang nakatengga sa bank account ng DSWD at hindi ito nagagamit kahit na napakaraming nangangailangan ng pondo dahil sa COVID-19.

Pahiwatig ni Drilon mas makabubuti kung ibigay na lamang ang nasabing pondo sa ibang nangangailangan kung hindi rin naman ginagawa ng DSWD ang kanilang mga proyekto batay na rin sa budget na inilaan sa departamento.

Kaya nga parang lokohan lamang itong nangyayari kung bakit humihingi pa ng budget para sa 2021 itong DSWD kung napakalaking budget ang mayroon sila pero hindi ginagastos. Talaga lang bang gustong mag-ipon ng budget ng DSWD at walang balak gumastos?

Huwag nang hintayin pa ng DSWD na sa mga susunod na paghingi ng budget sa Kamara ay tuluyan na kayong baratin dahil hindi naman ninyo ginagastos ang pondong ibinibigay sa inyo ng national government para sa mahahalagang proyekto.

Makatuwiran ang panawagan ni Poe na madaliin ang pagbibigay ng pagkain sa mga kabataan at maayos na ipatupad ang feeding program na sa ngayon ay higit na kailangan dahil sa pandemya at mga kalamidad na nagdaan.

Sana maintindihan ng pamunuan ng DSWD kung gaano kalaki at kahalaga ang papel na ginagampanan ng kanilng departamento lalo na ngayong dumaranas ang bansa ng napakalaking pagsubok dahil sa pandemya na dinagdagan pa ng kabi-kabilang kalamidad. Kung hindi naman makikinig ang liderato ng DSWD, sana magbitiw na lang kayo!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *