Thursday , December 26 2024

VP Leni Robredo ‘silent worker’

LUMANG kasabihan na ang maingay at talak nang talak ay walang ipinag-iba sa latang basyo at walang kalaman-laman. Kapag tahimik, pero gawa nang gawa, daig pa ang kampana na may matinis pero mahabang alingawngaw. 

        ‘Yun ang pagkakaiba ng lata at batingaw. Ang lata supposedly ay lalagyan o container — masakit sa tainga ang nililikhang tunog. Ang kampana o batingaw sa isang banda ay ginagamit para sa mga espesyal na okasyon at mga importanteng pabatid. Ang tunog nito ay naghahatid ng kamalayan na mayroong mahalagang nangyayari.

        Kaya kapag maingay ang lata, hindi ito nagsisilbi sa sadyang layunin ng pagkakalikha. Pero ang tunog ng kampana o batingaw ay hinihintay dahil may mahalagang mensaheng dala.

        Parang ganito ko lang nakikita si Vice President Leni Robredo nitong mga nakaraang araw.

        Tahimik na gumagawa pero parang kampanang hinihintay at inaabangan ng maraming tao.

        Hindi ko rin maiwasan na ihambing si VP Leni kay Taiwan President Tsai Ing-wen, ang unang babaeng presidente ng nasabing Chinese territory.

        Makikita ang husay at galing ni President Tasi Ing-wen kung paano niya hinarap ang pandemyang CoVid-19.

        Sabi nga niya, hindi coincidence ang tagumpay nila laban sa pandemya. Ito ay kombinasyon ng mga pagsisikap ng medical professionals, private sector, at ng buong lipunan, para ‘sakluban’ ng depensa ang buong bansa laban sa mapaminsala at nakamamatay na CoVid-19. Natuto na umano sila sa mapait na karanasan ng 2003 SAR outbreak na maraming buhay ang ibinuwis. Kaya nang makita nila ang indikasyon ng CoVid-19 noong Disyembre 2019, agad nilang binantayan ang mga pasaherong nagmumula sa Wuhan.

Nitong Enero, itinatag nila ang Central Epidemic Command Center upang makapaglatag ng mga prevention measures. Kaya hindi nakapagtataka na napakaliit ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 sa kanilang teritoryo.

        Nito namang nakaraang bagyo, nag-tweet si President Tsai Ing-wen nang ganito: “It’s heartbreaking to see our neighbor impacted by such devastating natural disasters. My thoughts are with everyone who has been affected by the typhoons & flooding in the Philippines. Taiwan wishes you strength & will provide assistance during this difficult time.”

        Ganyan, kaaksiyon ‘yung Taiwan president. Medyo maingay pa nga nang konti, pero alam naman nating lahat na nagde-deliver talaga.

        Pero ‘yung Leni Robredo, nagtrabaho nang tahimik. Ayaw nga niyang ‘magnakaw ng limelight ng may limelight.’ Ang katuwiran niya, nagtatrabaho siya batay sa kung ano ang puwede niyang maiambag sa panahon na marami ang nangangailangan at kailangan talagang tulungan.

        Pero kung titingnan ang track record no’ng VP Leni, dati na naman niya itong ginagawa. Coincidence na lang na siya ay naging bise presidente ng Filipinas.

        Hindi po tayo ‘DDS’ o ‘Dilawan.’ Gusto lang natin purihin at ibahagi sa ating mga kababayan ang magandang gawa.

        Sa panahon na nakatigalgal ang buong bansa dahil nagulantang sa nangyayari sa Isabela at Cagayan, at katatapos pa lang manlumo sa nangyayari sa Rodriguez, Rizal at lungsod ng Marikina, isang babaeng VP Leni Robredo ang agad na kumilos, inorganisa ang kanyang staff at nag-inventory ng mga puwedeng maitulong mula sa kanyang tanggapan.

        Kaya hayun, hindi man ‘mas mabilis sa alas-kuwatro’ pero siguradong umabot sa 11th hour bago pa tuluyang mawalan ng pag-asa at mapatid ang gahiblang sinulid na kinakapitan ng mga kababayan natin sa Cagayan at Isabela.

        Alam ba ninyo ‘yung pakiramdam na, huling hibla na lang ng lubid ang inyong hinahawakan tapos heto, isang lumilipad na anghel ang biglang aalalay sa inyo?!

        Wala mang pakpak ng anghel si VP Leni, pero tiyak na tiyak, maraming kababayan natin, na ganoon ang naging tingin sa kanya noong mga panahon na tatlong araw na sila sa bubungan ng kanilang mga bahay pero wala pang dumarating para sila’y saklolohan.

        Magtataka pa ba tayo kung bakit bigla siyang pinagpupukol ng bato?

        May nagsulsol pa sa Pangulo… tsk tsk tsk. Wala nang ambag sa sambayanan, ginugulo pa ang Pangulo?! Hayun sumablay sa kasipsipan!

        Sabi nga ng mga chess player: “Move in silence only speak when it’s time to say checkmate!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *