Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Ibahagi ang inyong yaman!  

MASASABING ‘bugbog-sarado’ na talaga ang kalagayan ng taongbayan hindi lamang dahil sa mapamuksang COVID-19 kundi pati na rin sa pananalasa ng magkakasunod na bagyong Rolly at Ulysses.

Sa mga naunang datos ng NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Ulysses ay umabot na sa P2.14 bilyon at P482.85 milyon naman ang pinsala sa impraestruktura. Nakapagtala rin ang NDRRMC ng humigit kumulang sa 523,871 apektadong pamilya o 2,074,301 indibiduwal.

At dahil sa bagyong Ulysses, umabot na sa 67 ang naitalang namatay, 21 katao ang nasugatan at 13 katao naman ang nawawala pa rin. Sa kasalukuyan, ang ilang barangay sa lalawigan ng Cagayan at Isabela ay lubog pa rin sa baha. Naideklara na rin ang state of calamity sa buong Luzon.

Malaking problema rin ang idinulot ng bagyong Rolly sa Kabikulan na umabot ang pinsala sa impraestruktura at agrikultura sa P18 bilyon. Ang mga kabahayang napinsala o nasira ay umaabot sa 170,773  kabilang dito ang 37,449 ang naitalang totally damaged.

Ang bilang ng namatay sa bagyong Rolly ay umabot sa 25, ang nasugatan ay 399 at ang missing ay anim na katao. Sa kasalukuyan, ilang residente pa rin ang mga nasa evacuation center.

Nakaaawa talaga ang sitwasyon ngayon ng bawat Filipino.  Sa gitna kasi ng pandemya, bigla na lamang pumasok ang dalawang malupit na bagyo at nanalasa sa Kabikulan, Cagayan, at Isabela. Pati Metro Manila ay hindi rin pinalagpas ng bagyong Ulysses.

Pero sabi nga, kailangan talagang magtulungan ang bawat Filipino, kaya nga ngayon kailangan ng marami nating mga kababayan ang tulong ng mga bilyonaryo at milyonaryo nating mga opisyal na nasa Senado, Kamara at Gabinete. Nananawagan tayo sa kanila na kung maaari ay bawasan man lang nila kahit kaunti ang kanilang mga yaman at tumulong sa mga nasalanta.

Kung mag-aambag lang ang mga mayayamang senador, congressmen at Cabinet secretary, tiyak na mabilis na makababangon ang mga kababayan natin na matinding sinalanta ng bagyo.

Kahit tig-lilimang milyong piso lang sana ang maiambag ng mga mayayaman diyan sa Kongreso at Cabinet, tiyak na makaaahon ang ating mga kababayan.

Hindi naman siguro makababawas sa bilyon-bilyong pisong kayamanan nina Senador Cynthia Villar, Manny Pacquiao, at Ralph Recto ang maiaambag nila sa ating mga kababayan. Tapos sasamahan pa ng mga ambag ng mga bilyonaryo sa Gabinete na gaya nina Energy Secretary Alfonso Cusi, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Finance Sec. Carlos Dominguez  at Transportation Sec. Art Tugade.

Sana lang din ay huwag padaig sa pagbibigay ng tulong ang mga bilyonaryo sa Kamara gaya nina 1-Pacman Party-list Rep. Michael Romero, Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez at former First Lady Imelda Marcos.

Marami pa silang mga bilyonaryo at milyonaryo, at sana magkaisa sila at tamaan man lamang ng katinuan at magpasyang mag-ambag ng kanilang mga yaman sa mga sinalanta ng bagyong Rolly at bagyong Ulysses.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *