NAGLABAS ng mga picture ang isang male star habang abala siya sa pag-aayos ng mga nasira sa kanyang bahay noong kasagsagan ng bagyo. Siya mismo ang kailangang gumawa niyon dahil sino nga ba ang matatawag mong gumawa sa kasagsagan ng bagyo. Katunayan din iyon na buong panahong iyon ay nanatili siya sa kanyang bahay, at hindi totoong kahit na bumabagyo na ay “suma-sideline” pa siya.
Natsismis din kasi iyang napakadalas na mag-sideline dahil medyo matindi raw ang pangangailangan noong mga nakaraang araw, at ang malaking problema niya ay wala na siyang mautangan. (Ed de Leon)