WALANG interes tumakbo sa anumang posisyon sa politika si Willie Revillame pero matulungin siya sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Katulad sa kalamidad na naganap sa bandang south lalo na sa Catanduanes na sunod-sunod ang bagyong dumaan .
Marami ang nasalanta at nagutom kaya pumunta roon si Willie sakay ng kanyang chopper para mamahagi ng tulong. Limang milyong piso ang ibinigay niyang tulong.
Hindi makatulog si Willie noong mapanood ang isang matandang umiiyak at sinabihan siyang dalawin sila dahil nagugutom na at walang makain.
Ang ipinagtataka namin, hindi ba dapat ang mga politikong ibinoto ng mga taga-roon ang dapat makitang tumutulong sa mga ito?
SHOWBIG
ni Vir Gonzales