Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd, nagpapagawa ng bahay sa El Nido

Sa Palawan naman nakikita ngayon si John Lloyd Cruz. Huwag kayong magdududa ng kung ano, kaya siya naroroon ay dahil sa kanyang ipinaga­gawang bahay sa El Nido. Kung iisipin, ano nga ba ang dahilan at nagpapagawa pa siya ng bahay sa El Nido eh may bahay na siya sa Antipolo. May ipinatayo na rin siyang bahay sa Cebu. Bakit kailangan pa ang ikatlong bahay?

Iyang El Nido ay isang sikat na tourist destination. Siguro sa panahong ito, dahil sa pandemic ay wala pa halos turista, at mahina ang kita sa El Nido. Natural mababa rin ang presyo ng real estate, at ito ang panahon para bumili. Ganoon siguro ang naisip ni John Lloyd. Iyong bahay niya ay maaari niyang paupahan, at depende sa location at lawak ng lupa, maaari niya iyong gawing resort pagdating ng panahon.

Ang napansin namin kay John Lloyd, talagang ginagamit niya ang kanyang oras para mapalawak ang kanyang mga investment, simula noong nagbakasyon siya sa showbiz three years ago. Tama naman iyon. Pinaghahandaan na niya ang kanyang kinabukasan, at ang kinabukasan din ng kanyang anak.

Siguro matapos na ihanda ni John Lloyd ang lahat ng iyan at saka siya babalik nang husto ulit sa showbusiness. After all maski na magtagal pa naman ang kanyang bakasyon, ok lang dahil talagang hinihintay siya ng  fans. Bukod doon, dahil mas marami siyang nakakasalamuha ngayong mga karaniwang tao, na mukhang lahat naman ay nasisiyahan na makilala siya, mas lumalawak pa ang kanyang fan base.

After all wala naman talagang dahilan para magmadali siyang bumalik sa showbiz ngayon. Sarado naman ang kanilang network na roon siya may trabaho. Sarado pa rin ang mga sinehan sa Metro Manila, ibig sabihin kalokohan pang magpalabas ng mga bagong pelikula. Gagawa ka ba ng malaking pelikula kung wala ka namang malaking sineng lalabasan? Ano iyon, gagawa ka ng high budget movie para ipalabas lang sa internet?

Babalik iyang si John Lloyd kung makikita niyang ok na ulit ang industriya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …