Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bidaman Jervy, sunod-sunod ang blessings

MASUWERTE ang Bidaman na si Jervy Delos Reyes dahil sunod-sunod ang proyektong dumarating sa kanya. Una na ang pagiging alaga ng Mannix Artist and Talent Management ni Mannix Carancho at ang pagkakasama sa historic movie na Battle of Balangiga 1901.

Sobrang happy ang hunk actor sa sobrang blessings na dumarating sa kanya lalo’t maganda ang role na ibinigay sa kanya sa ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna para sa Battle of Balangiga 1901.

Ang Battle of Balangiga ay maituturing na isang historic event at isa sa bloodiest encounters noong panahon ng Philippine-American war na naganap noong 1899-1902. Dito kinuha ng mga Kano ang tanyag na Balangiga Bells na noon pang 1958 hinihiling na maibalik sa bansa.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Jervy sa President at CEO ng Prestige International na si Carancho at Marketing Director nitong si Amanda Salas dahil kinuha siyang artist ng Mannix Artist and Talent Management at endorser ng Prestige International.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …