KAYA pala hindi na natuloy ang ipinagyayabang na project ng isang poging male star, binitiwan pala siya ng dapat sana ay isang gay benefactor na tutulong sa kanya. Kasi iyong influential gay na nga ang gagawa ng paraan para sa kanyang project para kumita siya nang malaki, muling sumikat, at makakuha pa ng ibang trabaho. Payag daw naman si pogi na maging syota ng influential gay. Kaya lang, hindi sapat ang tulong niyon. Para pumatol siya kailangang bigyan siya ng sustento at kung ano pa ang ibang magugustuhan niya.
Simula pa lang daw ay humihingi na ng condo si pogi. Umayaw na ang gay, after all marami rin namang mga pogi na nawalan din ng shows dahil sa pandemic, hindi pa ganoon “kaswapang.”
Ang nangyari, dahil wala ngang pinagkakakitaan, balik si poging “starlet na lang ngayon,” sa dati niyang istambayan sa harapan ng isang sikat na watering hole, na malapit sa isang upscale mall. (Ed de Leon)