Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katapatan sa SALN kasamang ipinangako sa botante (PACC sa House leadership)

SUPORTADO ni Presidential Anti-Corruption Commission(PACC) Commissioner Greco Belgica ang naging hamon sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco na isapubliko ang kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sa katuwirang una ang transparency at accountability sa mga ipinangako sa kanilang mga botante nang sila ay nangangampanya.

Ayon kay Belgica, obligasyon ng mga mambabatas na ipakita ang kanilang tunay na SALN upang malaman kung wala silang tinatago.

“Naniniwala ako hindi lang bilang Commissioner ng PACC kundi bilang isang Filipino, isa ‘yan sa ipinangako nila noong kampanya. Mas makatuwiran na maging totoo sila sa tao,” pahayag ni Belgica.

Si Belgica ay una nang nagsiwalat na ilang miyembro ng Kamara na hindi pa pinangalanan, ang sangkot sa korupsiyon sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), aniya, nagiging substandard o hindi nakokompleto ang mga DPWH projects dahil 50% ng pondo ay napupunta sa corrupt activities.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PACC, 10% hanggang 15% ang cut sa infrastructure projects ng mga kongresista habang may share rin sa pondo ang district engineers at contractors.

Inamin ni Belgica, may mga ebidensiyang hawak ang PACC at kanilang tutukuyin ang mga sangkot na kongresista sa oras na maisumite nila kay Pangulong Rodrido Duterte ang report.

“Makaaasa ang mga kababayan natin na uusad ang kaso at mananagot ang dapat,” pagtitiyak ni Belgica.

Ang paglalabas ng SALN ay isa sa pinakamalaking hamon sa mga halal at iba pang opisyal ng pamahalaan, bagamat obligado ang mga nasa gobyerno na magsumite kada taon ng SALN ay hindi naman nailalabas ito, sa Kamara halimbawa, ang record ng SALN ay guwardiyado ng CCTV.

Hindi rin ganoon kadali ang paghingi ng kopya nito, sa ilalim ng House Resolution 2467, na ang nagnanais na magka-access sa SALN ng mga mambabatas ay dapat may final approval ng House Plenary.

Kaya nangangahulugan na bago pa man pumayag ang isang kongresista na ibigay ang kanyang SALN ay kailangan muna ng deliberasyon ng Committee on SALN Review and Compliance at aalamin sa requesting party ang dahilan at kung saan gagamitin ang SALN.

Panunumpaan din ng requesting party ang sworn undertaking at declaration portion na nagsasaad kung saan lamang maaaring gamitin ang SALN sakaling pumayag ang komite na magbigay ng kopya.

Nabatid na mula 2019 mula nang mabalangkas ang bagong rules sa pagkuha ng SALN ay wala pang aplikasyon o nagre-request ng SALN ng mga mambabatas.

Sa Kamara ay una nang boluntaryong naglabas ng SALN ang Makabayan Bloc bilang inisyatibo nito sa naging kautusan ni Pangulong Duterte sa Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang mga tiwali sa gobyerno, kaya naman ang hamon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, sa ngalan ng transparency, ay ilabas din ng mga kapwa mambabatas ang kanilang SALN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …