Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, nalait dahil sa ‘anong plano? Tulog na lang ba?’

HINDI siguro akalain ni Angelica Panganiban na iyong kanyang comment na “anong plano? Tulog na lang ba?” noong panahon ng bagyong Rolly ay uulanin ng pagbatikos sa kanya. Wala naman siyang sinabi kung sino ang tinutukoy niyang patulog-tulog lang, pero maraming conclusion kung sino nga ang kanyang pinatutungkulan. Ang parinig ni Angelica ay pinatulan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno na nagtanong din sa kanya, “naitanong mo ba kung natulog na kami?”  Dahil talaga namang lahat halos ng nasa gobyerno, kumilos at walang tulog noon bago pa dumating ang inaaasahang pinakamalakas na bagyo sa taong ito.

 

Ang isang nagbigay din ng comment, pero wala ring tinukoy kung sino, ay si Arnell Ignacio. Nasabi ni Arnell, “noong araw nasasaktan ako basta may nagsasabing ang mga artista puro porma pero bobo, pero ngayon parang napakahirap nang ipagtanggol ng mga artista. Kasi iyong iba sa kanila ipinagmamalaki pa ang kanilang katangahan. Bakit ang dami nilang sinasabi tungkol sa mga bagay na hindi nila alam? Hindi ba katangahan iyon?”

 

Pagkatapos na ulanin ng mga batikos, hindi na nag-post ulit tungkol doon si Angelica, at mukhang “natulog na lang,” matapos ding lumabas na nag-iikot na pala si Presidente Digong sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Iyan namang unpopularity ni Presidente Digong sa ilang artista, sinasabing bunga iyan ng pagkakasara ng ABS-CBN na sinasabing ang presidente rin ang may kagagawan. Marami sa kanila na dati ay milyong piso ang kinikita, ang biglang nawalan na lang ng trabaho. Ang dahilan naman talaga ay may pandemic at walang network na gustong magbayad ng napakataas nilang mga talent fee.

 

Maging ang actor ngang si Aga Muhlach ay nagsalita na rin tungkol sa kanyang mga kasama na makipagtulungan na lang muna kaysa ibinabagsak pang pilit ang gobyerno natin. After all tama siya sa pagsasabing ang gobyerno namang iyan ay “sa atin.” Parang lumalabas na ibinabagsak natin iyong sarili natin.

 

Kami rin, sa aming palagay, hindi lang ang bayan ang iniisip eh. Marami ring personal na dahilan lang. Kagaya nga niyong isa, hindi pa rin matanggap na ang boyfriend niya ay inilampaso noong nakaraang eleksiyon. Ganoon lang talaga eh, natapos na rin ang kanilang panahon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …