Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Luis at Jessy, ibinuking ni Ate Vi

NADULAS nga yata ng pagkukuwento si Congresswoman Vilma Santos. Sa isang interview sa kanya, nabanggit niyang malapit nang ikasal ang kanyang anak na si Luis sa girlfriend noong si Jessy Mendiola.

 

Siyempre ikinatutuwa iyon ni Ate Vi dahil matagal na naman niyang sinasabing handa na si Luis na magkaroon ng sarili niyang pamilya. Maganda na ang katayuan niya sa buhay, magaganda ang negosyong kanyang napasukan at hindi nga masasabing showbiz lang ang inaasahan niya. Bukod doon nasa tamang gulang na rin naman siya. In fact, 39 na si Luis na para sa mga Pinoy, that is way past marrying age.

 

Kaya isa pang excited din si Ate Vi, aba for her age natural lang na gusto na niyang makaranas na magkaroon ng sariling apo. May apo na siya sa mga pamangkin, pero sa tunay na anak, wala pa. May mga nagbibiro na ngang baka mauna pa si Ryan sa pagbibigay ng apo kay Ate Vi.

 

Si Ate Vi naman, siya iyong tipo ng nanay na kung sino ang gusto ng kanyang anak, walang problema sa kanya. In fact, sinasabi ngang naging close siya sa lahat ng mga naging girlfriends ni Luis noon pa man. Si Luis lang talaga ang masyadong mapili, at sobrang maghanda para sa kinabukasan.

 

Si Jessy naman na girlfriend ni Luis ay nagsabi ring napag-uusapan na nila ang pagpapakasal pero kung gagawin na nga nila iyon, desisyon nilang dalawa iyon.

 

Marami ang humuhula na baka nga malapit na, dahil hindi naman magsasalita ng ganoon si Ate Vi kung hindi niya alam na may balak na nga ang dalawa. Pero habang walang sinasabi si Luis mismo, at si Jessy mismo, hindi natin masasabing talaga ngang malapit na.

Ang advantage ng ginagawa ni Luis, napaghahandaan niya nang husto ang magiging buhay ng kanyang pamilya. Ang disadvantage naman, lumalaki ang age gap nila ng mga magiging anak niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …