Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Hindi kayang ‘gibain’ si Briones

SA KABILA nang patuloy na pagsasaayos para matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at guro sa panahong ng pandemya, pilit namang ‘ginigiba’ ng mga leftist organizations ang ginagawa ng Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Sec. Leonor Briones.

 

Nakapagdududa ang ganitong sunod-sunod na atake ng National Union of Students in the Philippines (NUSP), Samahan ng Progresibong Kabataan (Spark) at Alliance of Concerned Teachers (ACT), at iba pang makakaliwang grupo dahil kung titingnang mabuti ‘hanap-butas’ ang ginagawa ng mga organisasyong ito labas sa kagawaran ng edukasyon at ang tanging layunin ay propaganda at tuluyang sirain si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

 

Asahan na rin sa mga susunod na araw, hindi lamang DepEd ang uupakan ng mga makakaliwang grupo kundi pati na rin ang iba pang nangungunang ahensiya at departamento ng pamahalaan ni Digong.

 

Pilit nila itong hahanapan ng ‘butas’ at gagamitin sa kanilang propaganda ang mainstream media para tuluyang masira ang kasalukuyang pamahalaan at maikasa ang tanging layunin na mapatalsik sa puwesto ang pangulo.

 

Kung susuriing mabuti, pilit na pilit ang isyu na inilatag ng NUSP at Spark laban sa DepEd lalo na sa usapin ng suicide na ang ginagawang dahilan ay ang distance learning at ang module na inilabas ng kagawaran.

 

Sino ba naman ang maniniwala na ang mga ito ang dahilan kung bakit may ilang kaso ng pagpapakamatay ng mga kabataan ang naiulat. Nalulungkot tayo sa mga insidenteng ito, pero ang i-link ito sa module para namang malaki yatang kalokohan.

 

Naging laman din ng balita ang sinasabing libo-libong mga guro ang humiling sa pangulo na patalsikin si Briones pero nang imbestigahan ito ng DepEd, ni isang guro ay walang matukoy at lumutang sa sinasabing panawagang pagbibitiw ng kalihim.

 

Marami pang isyu ang pinalutang laban kay Briones pero lumalabas na isa man sa mga ito ay walang mga basehan at ang tanging layunin ay sirain ang DepEd at palitan ang nakaluklok na kalihim.

 

Bigo ang mga kalaban ni Briones! Inakala ng mga grupong makakaliwa na bibigay si Briones sa kanilang mga atake pero ang hindi nila alam, matatag ang kalihim dahil suportado siya ng mga guro, mga paaralan, mga magulang at mag-aaral.

 

Kaya nga, dapat mag-ingat mismo ang taongbayan dahil ang ginagawa ng mga grupong ito ay pabagsakin ang gobyernong Duterte. Wala sa bokabularyo ng grupong ito na makita ang positibong ginagawa ng kasalukuyang pamahalaan tulad ng DepEd.

 

Kailangang maging kritikal ang lahat dahil sanay sa propaganda ang mga alagad ni Joma Sison lalo na sa paninira para lamang maisulong ang kanilang interes at layunin. Pero dahil sa mga pangyayari, napatunayan ngayong supalpal ang ‘kaliwa’ kay Briones. Sabi nga, better luck next time!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *