Thursday , December 26 2024

‘Pastillas Gang’ suspendido sa Ombudsman

NAGULANTANG ang lahat sa Bureau of Immigration (BI) matapos maglabas ng agarang 6-month preventive suspension without pay si Ombudsman Samuel Martires sa 45 empleyado na sangkot sa ‘pastillas’ scam.

Bagama’t ito’y inaasahan na, walang nag-akala na magiging madali ang proseso matapos idawit ni whistleblower Jeffrey Dale Ungasio ‘este’ Ignacio ang opisina ng Ombudsman na may koneksiyon daw ang isang matataas na opisyal ng immigration na sangkot sa scam.

Pinirmahan ni Martires ang order nitong nakaraang Lunes, 26 Oktubre at agad na ipinadala sa opisina ni Immigration Commissioner Jaime Morente para sa implementasyon.

Bilang pakikiisa sa nasabing imbestigasyon, iniutos din ni Morente ang implementasyon ng deportation para sa 2,736 overstaying Chinese nationals sa bansa.

Sa 45 kawani na nasa listahan ng suspension order, kapansin-pansin na kasama sa walang tatanggaping suweldo ang isa sa mga tumayong state witness na si Jeffrey “Dale” Ignacio na mas kilala sa airport bilang si “Boss Nyepi.”

Aruuyyy!

Karma is real daw sabi ng grupong pastillas?!

Nasaan na ang sinasabing immunity, Madam Senator Risa?

Narito ang mga pangalan na isinama ng Ombudsman sa kanilang order;  

  1. Erwin Ortañez
  2. Grifton Medina
  3. Glenn Ford Comia
  4. Benlado “Bien” Guevarra
  5. Danieve “Denden” Binsol
  6. Deon Albao
  7. Arlan Edward Mendoza
  8. Anthony Lopez
  9. Cecille Jonathan Orozco
  10. Dennis “BP” Robles
  11. Bradford Allen So
  12. Vincent Bryan Allas
  13. Er German Robin
  14. Gabriel Estacio
  15. Ralph Ryan Garcia
  16. Ralph M. Garcia
  17. Phol Villanueva
  18. Abdul Fahad Calaca
  19. Danilo Deudor
  20. Mark Macababad
  21. Aurelio Somera Lucero III
  22. George Bituin
  23. Salahudin Hadjinoor
  24. Cherry Pie Ricolcol
  25. Chevy Chase Naniong
  26. Carl Jordan Perez
  27. Abdulhafez Hadjibasher
  28. Jeffrey Dale Ignacio
  29. Juan Carlo Gomez
  30. Clint John Simene
  31. Jhayson Abelda
  32. Asliyah Maruhom
  33. Jan Christian De Villa
  34. Jessica Anne Salvador
  35. Jennifer Timbreza
  36. Robert Michael Sarmiento
  37. Maria Victoria Jogno
  38. Catherine Mendoza
  39. Lorenz Arlei Bontia
  40. Paul Borja
  41. Hamza Pacasum
  42. Manuel Sarmiento III
  43. Fidel Mendoza
  44. Dimple Mahyumi Mallari
  45. Rodolfo Magbuhos, Jr.

Marami ang nagtatanong kung bakit wala raw sa listahan si former Deputy Commissioneir and Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas?

Maliwanag naman na wala na sa serbisyo si Mariñas kaya hindi na siya puwedeng patawan ng preventive suspension order ng Ombudsman.

‘Wais’ din naman ‘yung mama ‘no!?

Gayonpaman, mananatili pa rin na kasama siya sa imbestigasyon at posibleng mapatawan ng kaukulang parusa gaya ng perpetual disqualification from public service kapag napatunayan na siya ay nagkasala.

Puwede rin makulong siya kapag napatunayan na siya ang lider ng ‘pastillas scam.’

Samantala, may mga ilang personalidad daw sa listahan na kasama sa preventive suspension ngunit hindi nakatanggap kailanman ng show cause order galing sa BI Board of Discipline?

Kuwestiyonable yata ito at tila wala sa proseso?

Any comment on this BI-BOD?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *