Saturday , November 16 2024

Bicol nilahar, binaha 10 patay, 3 nawawala (Sa pananalasa ng bagyong Rolly)

NAITALA ang 10 patay sa rehiyon ng Bicol sanhi ng pananalasa ng Category 5 na bagyong Rolly (international name Goni), ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Nagpawala ang bagyong Rolly ng malakas na ulan at hangin sa katimugang Luzon simula kahapon ng umaga, Linggo, 1 Nobyembre.

Nagdulot ito ng pag-apaw at pag-agos ng lahar mula sa bulkang Mayon sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig, sa lalawigan ng Albay.

Sa bayan ng Gigmoto, sa lalawigan ng Catanduanes, kinilala ng Office of Civil Defense (OCD) ang namatay na si Luis Ubalde, 48 anyos.

Sa bayan ng Guinobatan, sa lalawigan ng Albay, binawian ng buhay ang tatlong residente mula sa mga barangay ng San Francisco at Travesia na nasa paanan ng Mayon, nang rumagasa ang lahar patungo sa mga kabahayan sa kasagsagan ng bagyong Rolly.

Kinilala ng OCD ang namatay sa Barangay Travesia na si Ligaya Olayta, at sa Barangay San Francisco na sina Malou Sanchez Nota at Samuel Cervantez Manrique, Jr.

Patuloy pang tinutukoy ang pagkakakilanlan ng mga binawian ng buhay sa mga bayan ng Malinaw, Oas, Daraga, at Polangui, at lungsod ng Tabaco, pawang nasa lalawigan ng Albay.

Samantala, idineklarang nawawala ang tatlong residente ng Guinobatan na kinilalang sina Elvie Cervantes Manrique at Michaela Cervantes Manrique mula sa Barangay San Francisco, at Dace Ongario ng Barangay Travesia.

 

 

Subdibisyon sa Batangas
lumubog sa baha
300 PAMILYA
SINAGIP SA BUBUNGAN
NG KABAHAYAN

NAILIGTAS ng mga awtoridad nitong Linggo ng gabi, 1 Nobyembre, ang hindi bababa sa 300 pamilya na na-trap sa bubungan ng kanilang mga bahay at mga sasakyan nang umabot hanggang tatlong metro ang baha sa kanilang subdibisyon sa lungsod ng Batangas sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly.

Nagsanib puwersa ang Philippine Red Cross (PRC), Philippine Coast Guard (PCG), lokal na pulisya at mga bombero upang mailigtas ang mga residente ng Tierra Verde, isang middle class na subdibisyon sa Barangay Pallocan West, sa nabanggit na lungsod.

Samantala, nanawagan si Lito Castro, hepe ng Batangas Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), ng karagdagang volunteers mula sa regional government agencies upang makatulong sa pagresponde sa Tierra Verde.

Aniya, kailangan pa nilang iberipika kung bukod sa 300 pamilya ay may iba pang apektado ng lagpas-taong baha sa subdibisyon.

Ipo Dam muling
nagpawala ng tubig
MABABABANG BAYAN
SA BULACAN INALERTO

MULING nagpawala ng tubig ang Ipo Dam, nitong Linggo ng tanghali, 1 Nobyembre, bilang paghahanda sa pagtaas ng maximum water level ng dam dala ng super typhoon Rolly, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa update ng ahensiya 9:00 am kahapon, ipinahayag ng PAGASA Hydrometereology Division na ang Ipo Dam Management ay magsasagawa ng spilling operation na pagpapalabas ng tinatayang 47 cubic meters per second ng tubig dakong 4:00 pm.

Hanggang 8:00 am kahapon, sinabi ng PAGASA na ang water level ng Ipo Dam ay umabot sa 100.58 metro at inaasahang tataas pa sanhi ng ulang dala ng super typhoon.

Ang normal na high water level para sa Ipo Dam ay 101 metro.

Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA sa low-lying areas sa Bulacan at mga lugar na malapit sa pampang ng Angat River tulad ng mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, at Hagonoy na maging handa at laging alerto kung sakaling tumaas ang water level.

Batay sa update ng PAGASA, 6:00 am kahapon, nagbukas na rin ng kanilang gate ang Ambuklao, Binga, at Magat Dam sa gitna ng pagbuhos ng malalakas na ulan. (MICKA BAUTISTA)

Pampanga River umapaw
CANDABA, IBANG BAYAN,
LUMUBOG SA BAHA

LUMAGPAS sa critical level ang bahagi ng Pampanga River sa bayan ng Candaba, sa lalawigan ng Pampanga, sanhi ng bagyong Rolly, nitong Linggo, 1 Nobyembre.

Ayon sa datos ng Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center, umabot sa 5.19 metro ang taas ng ilog kahapon.

Sa pagbabantay ng Candaba MDRRMO, umabot sa walong talampakan ang pinakamataas na lebel ng tubig sa Barangay San Agustin, sa nabanggit na bayan.

Naiulat ang bahagyang pagkasira ng ilang mga bahay dahil sa pagguho ng lupa.

Inilikas ang mga apektadong residente at pansamantalang nasa evacuation center habang hindi pa ligtas balikan ang kanilang mga bahay.

Dahil patuloy pa ang pag-ulan, inaasahan din ang pagtaas pa ng baha hindi lang sa Candaba, kundi maging sa mga karatig-bayan ng Apalit at San Simon, maging sa Calumpit, sa lalawigan ng Bulacan.

Patuloy din ang isinasagawang pre-emptive evacuation sa mga residenteng nasa coastal at upland barangay ng Pampanga.

Samantala, inihahanda ang libo-libong relief packs maging ang mga equipment ng mga tauhan ng Pampanga DRRMO sakaling kailanganin ang pagsagip sa mga residente na apektado ng mga bagyong Quinta at Rolly.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *