Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bukol sa likod naglaho sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Rolando Señales, 63 years old, taga-Pasay City.

Matagal na po akong tagasubaybay ninyo at suki ng inyong Krystall Herbal Oil at iba pang produktong Krystall, gaya ng Krystall Vitamin B-Complex at Krystall Nature Herbs.

Hindi na po yata ako mabubuhay kapag hindi ko kasama ang Krystall Herbal Oil sa aming tahanan.

Nito pong nakaraang lockdown, masyado yata akong na-depress dahil hindi ako makalabas ng bahay. Halos hindi na rin po ako makatulog dahil sa labis na pag-aalala.

Ang ginawa ko po, hinaplos-haplos ko ang aking noo at sentido ng Krystall Herbal Oil. Mabilis po akong nakaramdam ng pagka-relax hanggang makatulog. Simula po noon ganoon ang ginawa ko.

Minsan naman po, biglang nangati ang lalamunan ko. Natakot ako baka kako na-CoVid ako. Agad po akong uminom ng Krystall Nature Herbs habang hinaplos-haplos ko ng Krystall Herbal Oil ang aking lalamunan.

Parang nagdahilan lang po ako dahil nawala agad ang pangangati ng lalamunan ko. Patuloy ko rin pong iniinom ang Krystall Vitamin B-Complex.

Pero ang higit na ikinatuwa ko ‘yung naglahong bukol sa likod ko. Dati lagi ko itong nakakapa na parang malapit sa pulmon ko. Sa loob ng dalawang linggo pagkatapos ko maligo at bago matulog ay pinahahaplos ko ng Krystall Herbal Oil sa anak ko.

Maniwala po kayo, ngayon wala na akong nakakapang bukol pero tuloy-tuloy pa rin po akong nagpapahaplos sa likod ko.

Kaya hanggang ngayon po, lagi kong kasama sa araw-araw ang mga produktong Krystall.

Lagi po kaming nagpapasalamat ng aking pamilya dahil ang inyong mga produktong Krystall ay katuwang namin sa pangangalaga ng aming kalusugan.

Mabuhay po kayo Sis Fely.

Ang inyong tagasubaybay,

ROLANDO SEÑALES
Pasay City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …