Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 tulak timbog sa P.6-M shabu

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhaan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Michael Manalaysay, 41 anyos, residente sa M. Domingo St.. Barangay Tangos North at Jayson Esguera, 40 anyos, ng Silahis St., Barangy Tanza 1.

Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.

Nang maging positibo ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa M. Domingo St., dakong 8:00 pm na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

Narekober sa mga suspek ang 31 pirasong plastic sachets na naglalaman ng 101 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nasa P686,000 ang halaga, buy bust money at P500 bill.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

P4P DENR Mindoro Oil Spill

Fossil fuels itigil
Katarungan para sa Mindoro, Oil spill pangutin sa polusyon

QUEZON CITY — Nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang …

fetus sewage NAIA

Fetus sa sewage facility ng eroplano nadiskubre

NATAMBAD sa mga awtoridad ang isang fetus sa loob ng sewage treatment facility ng isang …

PDEA BoC Customs

Gera vs droga pinaigting pa ng PDEA, BOC

HIGIT na pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BoC) ang …

SCO LTFRB A and B Liner

PUV passengers 3 oras pinaghintay, LTFRB nag-isyu ng SCO vs bus company

PINAGPAPALIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng pagpalabas ng Show Cause …

Bauertek Congress

Congress committee supports medical cannabis

Richard Nixon Gomez, General Manager of Bauertek Farmaceutical Technologies, and Rigel Gomez, President of the …