Monday , December 23 2024

Nag-iisip ba ang IATF boards?

NANINIWALA ang nakararami na matatalino ang mga bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease. Binuo ang TF na nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng Department of Health (DOH) noong Marso 2020  para sa kaligtasan ng mamamayan laban sa CoVid-19 na umatake sa bansa o sa buong mundo.

Ang IATF ang naglalabas ng mga kalakaran sa bansa – health protocols para maiwasan ang pagkalat at  mahawaan ng nakamamatay na virus lalo na’t wala pang bakuna laban sa CoVid-19.

Kabilang sa protocols ng IATF ang hinggil sa “age limit”  kung sino lang ang puwedeng lumabas ng bahay. Bawal lumabas ang minors, simula noong Marso 2020.

Nasunod naman ang protocol pero, hindi talaga maiwasan na marami-rami pa rin minors ang lumabas. Nagkalat sa lasangan dahil mismong mga magulang nila ang pasimuno ng paglabag sa health protocols.

Dahil din sa bawal lumabas ang minors, wala rin munang pasok sa mga school – “no face to face learning” at sa halip, distance learning na muna. Ginawa ito para maiwasang magkahawaan ng mga mag-aaral at mga guro.

Saludo tayo sa mga desisyon ito ng IATF o ng gobyerno.  Lamang, nag-iisip nga ba talaga ang mga nakaupo sa IATF? Halimbawa na lang iyong naging desisyon nila sa “motorcycle barrier,” Kay hirap na ngang kumita ngayon, hayun dahil sa kapalpakan nila, ang mga Pinoy ay napagastos sa walang kakuwenta- kuwentang desisyon ng IATF. BS!

At, heto na naman ang IATF, ewan ko ha kung tama ang kanilang desisyon. Pinayagan na nilang makalabas sa bahay ang mga minors na 15 anyos. Unang dahilan ng TF ay para sa revival ng ekonomiya. Ha! Isama sa malls, kainan ang mga bata para magpabili nang magpabili? Para sa ekonomiya daw e. Walanghiyang desisyon naman iyan.

Heto pa, wala rin naman daw minors na nagkakasakit ng CoVid o mababa ang tendency na mahawaan. Sa record kasi, bihira ang mga minor na nahawaan.

Totoo iyan, bihira ang minors na nahawaan dahil…nakakulong nga sila sa bahay. Bawal silang lumabas kaya bibihira ang nahahawaan sa kanila kahit na sabihin pang malakas ang immune system nila. Namimili ba ang CoVid ng mahahawaan?

Pero ngayon, puwede na silang lumabas. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na mahahawaan sila kaysa noong nakakulong lang sa bahay. Pinalalapit lang ng IATF ang mga bata sa ‘veerus.’

‘Ika nga ng Kuya ko, si Manong Jojo, e para saan pa ang distance learning o pagbabawal ng face to face learning kung pinayagan nang lumabas ang mga minors? Para saan pa nga ba ang distance learning?

Nag-iisip nga ba ang mga bumubuo ng IATF?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *