Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy Crawford, buong pusong pinasalamatan ang ABS-CBN

NOONG Lunes, October 19, ang pilot telecast ng Lunch Out Loud, ang bagong noontime show ng TV5. Bago nagsimula ang show, ay nag-monologue muna ang isa sa host nito na si Billy Crawford.

Sabi niya, ”Gusto ko po na magpakilala sa inyo. Ako po si Billy Crawford. I’ve been in the business for 34 years now itong December. I started in GMA sa ‘That’s Entertainment’ bilang child actor-star.

“Growing up, I was very blessed na nabigyan ako ng magandang opportunity to take on a musical career sa labas ng Pilipinas. After how many years, sa aking pagbabalik, buong puso akong tinanggap ng aking mga bagong Kapamilya, ang ABS-CBN, na tumayong parang pangalawang magulang ko na. Sa ABS-CBN po ako nag-grow bilang host. Sa ABS-CBN at sa ‘Showtime’ po ako nahasa na magpasaya ng mga tao. At sa ABS-CBN ko rin po nakilala, napamahal ang mga longtime friends ko—Bestie Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Teddy Corpuz, Kuya Kim Atienza, Eric ‘Eruption’ Tai. At higit sa lahat, sa ABS-CBN ko po nakilala ang aking mahal na asawa.

“Kaya buong-puso ko pong gustong pasalamatan ang aking Kapamilya sa ABS-CBN sa pagtanggap, sa mahahalagang naituro po ninyo sa akin bilang host at bilang tao. Kaya I am here to humbly thank you mga Kapamilya for all the learnings and experiences you have given me.”

Ipinaliwanag din ni Billy na gaya ng iba ay naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa pandemic. Nagpapasalamat na nga lang siya na may dumating na offer sa kanya mula sa Brightlight Productions at TV5.

Ito ngang LOL at ang Masked Singer, na siya ang solong host.

“Kung napapansin ninyo, eh, medyo madilim ano po? Alam nating lahat na we’re facing dark times ngayon sa panahon ng pandemya. I am here to speak on behalf of my co-hosts, ang mga kasama ko po ngayon. Tulad niyo po mga kababayan, kami rin po mga artista ay nakaranas ng kadiliman.

“Talagang walang pinalagpas itong pandemyang ito para sa ating lahat. Ika nga, lahat po tayo tinamaan. Tulad po ninyo, aming mga mahal na manonood, kami rin po ay nakaranas na mawalan ng trabaho. May iba sa amin nagkasakit. May iba nawawala rin ng pag-asa from time to time. We are all facing dark times.

“Pero as expected, the grace of God will always deliver even in dark times, kaya po may nagbukas ng pinto para sa amin para muli kaming makabangon. May bagong tahanan na muling tumanggap sa amin para muli kaming magpapasaya at magbigay ng pag-asa.

“Nagpapasalamat po kami ng lubos-lubos sa lahat ng bumubuo ng Brighlight Productions, sa TV5, sa mga bago naming Kapatid.

“Maraming-maraming salamat po. You were God-given po para sa aming lahat. At higit sa lahat, on behalf of all na nakasama ko rito—from the utility men, technical crew, production, and creative people, our directors, lahat po—salamat po sa inyong lahat dahil kayo ang inspirasyon namin lahat para muling mabigyan ng saya at liwanag.”

Naiintindihan namin si Billy sa naging desisyon niya na tanggapin ang offer ng Brightlight Productions at TV5. Kailangan niya talagang magtrabaho, lalo na ngayong may sarili na siyang pamilya. At ang maganda pa sa kanya, ni-recognize niya ang ABS CBN na malaki ang naitulong sa kanyang career.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …