Thursday , December 26 2024
road accident

Wake up call para sa motorista, law enforcers & lawmakers

 A YOUNG MAN is in jail since last weekend. 

        Siya ay nakakulong dahil binangga ng isang motorcycle rider. Namatay ang lady rider dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagbangga sa SUV.

        Lilinawin lang po natin, wala tayo sa lugar ng insidente pero nakita natin ang CCTV footages.

        Base sa napanood nating CCTV footages, matagal na naka-stop ang SUV at naghihintay na mag-go (Green light) sa isang intersection sa Quezon Ave.

        Nang mag-green light na, dahan-dahang umusad ang SUV, pero biglang may sumalpok na motorsiklo mula sa kaliwang bahagi, at kitang-kitang may tumilapon (piyesa po iyon ng motorsiklo). Ang rider na isa palang babae, pagbagsak sa pavement ay dead on the spot.

        Sa bilis ng pangyayari, nagulat ang may dala ng SUV at hindi umalis sa lugar dahil naniniwala siyang kailangan malaman ng mga awtoridad na siya ang sinalpok.

        Pero pagdating sa presinto, tila naikahon sa standard operating procedure (SOP) na pag-iimbestiga ang SUV driver.

        Dahil may ‘bangkay,’ inimbestigahan bilang isang suspek ang SUV driver at sinampahan ng kaso. Pero dahil wala pang inquest prosecutor (dahil sa pandemya),  hanggang ngayon ay nakakulong  ang pobreng driver na nadamay sa pagiging ‘reckless’ ng namatay, base sa CCTV footages.  

        Kung may tinatawag na ‘malas’ o prehuwisyo ganitong sitwasyon talaga ‘yung eksampol no’n. ‘Yun bang ingat na ingat kang magmaneho ni ayaw mo ngang makasagi man lang pero heto’t isang rider ang bumangga sa auto mo, tumalsik dahil sa lakas ng impact ng pagbangga niya at namatay — tapos ikaw na maayos na nagmamaneho ay nasa kalaboso?!

        Talagang mapapa-tangina ka this, at baka humiyaw ka pa, “Ilabas n’yo ako rito, wala akong kasalanan, nadamay lang ako sa kaskaserong ‘yan!” 

        Sabi nga ng isang kakonsultahan natin tungkol sa kasong ito, “This is a case for consideration of investigators/fiscals/lawmakers. A law that could be very popular because a lot of people might got in a similar situation.  There’s a need to amend this law mandating the thorough police investigation of traffic accidents resulting in fatalities before a case is filed, amending/clarifying certain provisions of Article 365 of the RPC (revised penal code).”

This is a wake-up call for our traffic investigators that they should not always arrive to the conclusion of filing charges against drivers who are not at fault, but rather, to find out further how the incident happened. Dahil may injury or namatay ‘yung ‘party’ na nambangga, ‘yung binangga na buhay ang sasampahan agad ng kaso na walang malay sa nangyari?

It is unfair sa part nila lalo kung maingat silang nagmamaneho pero kaskasero naman ‘yung bumangga at karamihan lasing o mga sira-ulong magmaneho. Sila rin ay biktima na dapat ay maipakita sa imbestigasyon na walang pananagutan. Further, dapat nga makapag-claim rin sila ng kaukulang danyos base sa sira ng sasakyan o injury, kung mayroon.

Sabi pa ng isang kakonsultahan natin: “Wala (walang pananagutan ang SUV driver). Sa civil liability at insurance law ‘yan on negligence. Ang susukatin contributory at proximal liability/negligence. Kung ‘di gumagalaw ang SUV, wala siyang ‘intent’ kaya walang contribution  sa resultant damage or loss to life and property.”

        O klaro naman siguro ‘yan.

        Pero sana lang, ang insidenteng ito ay maging wake-up call sa mga imbestigador para mailabas sa report nila ang katotohanan; sa mga motorista lalo sa riders na pabara-bara; at sa mga mambabatas na dapat ay pag-aralan ang probisyong ito sa RPC upang maamyendahan.

        Siguro naman ay hindi lang iisa ang mga insidenteng gaya nito. Ikaw na ang nabangga ng mga kaskerong namatay, ikaw pa ang makukulong, at kamukat-mukat mo pagbabayarin pa ng daang-libo o hanggang milyones na daños y prejuicios.

        Sa mga biktima naman, o sa mga anti-crime advocacies panahon na siguro para kalampagin ang kongreso (mataas at mababang kapulungan) para pagtuunan nila ng pansin ang mga batas na ‘makatarungan sa libro’ pero ‘inhustisya’ sa realidad o aktuwal na buhay.

        At dahil hanggang ngayon ay nakakulong ang SUV drivers, hindi ba’t klaro ‘yan na kaso ng “justice delayed is justice denied?”

        Paging LAWMAKERS!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

       

         

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *