Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

RS, sinusuyod ang buong Pilipinas para makatulong

NAPAKALAKI ng puso ng puso ni Raymond RS Francisco na halos buong sulok ng Pilipinas ay sinusuyod para makapaghatid ng tulong.

 

Hindi man ito personal na nakakapunta dahil na rin sa sitwasyon ng bansa dulot ng Covid-19 pandemic, nariyan naman ang kanyang Frontrow team para umalalay.

 

Ilan nga sa mga bagong natulungan ni Raymond at ng Frontrow ay ang market vendors, security guards, at ang government workers of Sampaloc, Manila.

 

May pa-free meals din sila para sa mga aeta community at hardworkers na nagtitinda sa daan sa Iloilom at sa mga frontliner ng Himamaylanon. Occidenta Mindoro.

 

Ang pagtulong ang nakapagpapasaya kay Raymond at ito rin ang nakapagpa pangiti sa kanya everytime na nakakikita siya ng ngiti sa labi ng mga taong natutulungan niya. Kaya naman nangako siya sa kanyang sarili na patuloy na tutulong hanggang sa abot ng kanyang makakaya.

 

Samantala, naging natagumpay ang pagbubukas ng Frontrow London at kahit hindi ito nakadalo ay nagbigay naman ito ng mensahe sa kanyang Facebook account.

 

Aniya, “So proud of our #FRONTROW #London family for pulling off a successful GRAND OPENING in such unusual times…

 

“How I wish I could’ve been there in person to celebrate this feat, if only circumstances would permit.

 

“Congratulations team London, and may God bless you more and more! 

 

“Can’t wait to go back and hug you all ️ special shout out to the leaders.. Movers and shakers of FR UK 🇬🇧  .”

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …