DALAWANG linggo na ang lumipas mula nang bumaba sa puwesto si DOJ Undersecretary Markk Perete ngunit tila wala pa yatang napupusuan ang Malacañang na pumalit sa kanyang puwesto.
Si USec. Perete na dating DOJ Spokesperson at USec-in-charge for Immigration na nag-resign bunsod ng personal na dahilan ay pansamantalang pinalitan sa puwesto bilang spokesperson ni USec. Emmeline Aglipay-Villar.
Sa ngayon, ang DOJ ay hindi magkandaugaga sa rami ng pinagdaraanan. Magmula sa isyu ng CoVid-19 na ang DOJ ay miyembro ng Inter Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at toxic din pati sa kasalukuyang isyu tungkol sa ‘pastillas!’
Gaya na lang ng kasong isinampa namin laban sa isang Immigration Officer na nagngangalang Jayson Kawatan ‘este’ Cutaran a.k.a. Cutie na nambiktima ng isa naming kaibigan ay nawala na rin na parang bula?!
Ini-archived na lang?
Kaya naman pakoya-koyakoy na lang daw si Ate at panay ang post ng kanyang pagrampa sa kanyang social media account.
BTW, bakit nga pala hindi siya ang ipatawag ng NBI upang imbestigahan sa kanyang human trafficking activities sa NAIA noon?
Palagay ko matutuwa si Senadora Risa Hontiveros kapag nalaman na ang pakay niyang imbestigasyon tungkol sa naabuso at napahamak na mga Filipina sa Middle East ay courtesy nitong si IO Jayson Cutaran.
Daan-daan kaya ang pinakawalan nitong Pinay palabas ng bansa!
Hala nga madam Senator!
Since tila dedmakels lang ang DOJ tungkol sa isinampa naming kaso baka sakaling kayo pala ang maging susi sa matagal na naming idinudulog.