Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 MJ Cayabyab, nag-online business na rin

DAHIL usong-uso ang online selling, pinasok na rin ito ng Viva artist/singer na nag-revive ng awiting Larawang Kupas, si MJ Cayabyab na pagkain ang ibinebenta.

 

Nagnegosyo muna si MJ dahil mahina ang raket sanhi ng Covid-19 pandemic.

 

Ani MJ, “Wala pa masyadong raket Tito John, kaya nag-isip ako ng puwedeng sideline na puwede pagkakitaan at naisip ko nga ang online food business dahil medyo in-demand ito ngayon dahil sa pandemic.”

 

Ayon kay MJ sariling idea niya ang ang pagpasok sa food business lalo na’t mahilig siyang magluto. Noong una ay ipinatitikim niya lang ito sa kanyang mga kaibigan na nagsasabing masarap ang luto niya kaya  nagkaroon siya ng idea na gawin itong negosyo via online na tinawag niyang Lami-Ahhh.

 

Dagdag nito, “Ako talaga tito yung may idea na pasukin ‘yung food business siguro may push na rin ng mga kaibigan ko na nasasarapan sa luto ko kasi mahilig ako magluto. Kaya naman sinimulan ko ng magluto at ibinibenta ko online sa page ko na Lami-Ahhh.”

 

Ikinuwento rin nito na hindi laging malakas ang kanyang negosyo, lalo na’t marami na ring online food business. Pero may mga araw naman  na blockbuster sa rami ng umoorder.

 

Sana nga ay bumalik na sa normal ang lahat at tuluyan ng mawala ang pandemic para dumami ulit ang raket niya. Pero kahit magsunod-sunod ang trabaho niya, ipapagpapatuloy pa rin niya ang online business.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …