Thursday , December 26 2024

‘Walang puso’ o talagang walang sense si Pialago?

MASAMA palang nagkakaroon ng kompiyansa sa sarili itong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson, Assistant Secretary Celine Pialago… nasosobrahan!

Muling naulit ang karanasan na siya ay pinutakti ng netizens dahil sa kawalan ng ‘sensitivity’ ng kanyang pagpuna o sabi niya’y paggamit ng kanyang tinig bilang isang Filipino laban sa political detainee na si Reina Mae Nasino na namatayan ng 3-buwang gulang na sanggol habang nakakulong.

Mantakin ba namang sabihin na ‘drama’ lang daw ang ginagawa ni Nasino at lahat daw ng nakikisimpatiya ay kilalanin muna kung sino ang dinadamayan nila?!

Wattafak!

Hello, Ms. Passed Away & Ms. Dito Ang Pahalik! Kaway-kaway lang. Hindi pa nalilimutan ng madla ang mga kapalpakan mong gaya niyan, kaya huwag kang magmagaling.

Imbes nalimutan na at nakabawi ka na, hayan rumerepeke na naman sa madla ang iyong mga kapalpakan.

Hindi natin alam kung sumailalim ba sa gender sensitivity orientation si Ms. Pialago na kung hindi tayo nagkakamali ay isa sa rekesitos sa isang empleyado o opisyal ng gobyerno.

Sabi mo tila pambawi sa iyong ‘embarrassing experience’ nang kumandidata ka sa 14th edition ng Miss Earth Philippines noong 2014.

Nag-trending noon dahil sa kanyang sagot nang tanungin ng mga reporter tungkol sa pagkahimatay ng roommate niyang nalipasan ng gutom.

Imbes sabihin niyang “she passed out,” sa sobrang taranta kuno ay “she passed away” ang nasabi ni Celine, kaya pinagpistahan siya ng bashers and haters sa social media.

“So, napatunayan ko na ‘yung kakayahan ko na magsalita, English o Tagalog. ‘Yung isyu ng ‘she passed away,’ nabura na.”

Nabura na nga sana pero muli na namang nabuhay noong pista ng Poong Itim na Nazareno dahil tumabi ka sa signage na ‘pahalik’ na supposedly ay pagtukoy sa poon. Kaya nagalit na naman sa iyo ang mga deboto.

Ngayon  hayan ka na naman. Isang nagdadalamhating ina sa loob ng bilangguan, ang nakuha mo pang pagsalitaan nang ganyan?!

Nagdadrama lang nga ba si Reina Mae ang ina ng yumaong si Baby River?

Kung gusto mo talagang makabawi Ms. Pialago, lagi mo itong tatandaan: “Our prime purpose in this life is to help others. And if you can’t help them, at least don’t hurt them.”

Ngayon kung talagang ayaw pumasok sa kukote mo ‘yan o kung napaka-uncompassionate mo talaga… dapat alam mong wala kang puwang sa public service.

At kung alam mo na, ‘yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *