Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby, matinee idol pa rin (leading ladies, kaedad ng mga anak)

NANONOOD kami ng Eat Bulaga noong Sabado, at ang guest nila sa Bawal Judgemental portion nila ay si Gabby Concepcion. Ang tindi ng suwerte ni Gabby, isipin ninyo hindi man lang nabawasan ang ibinigay sa kanyang P50K. Doon sa contest na iyon, tuwing magkakamali ka ng choice, iyong P50K mo nababawasan ng P5K, at minsan may contestant na wala halos nakukuha dahil mali ang kanilang mga naging hula.

 

Sa kaso nga ni Gabby, hindi siya nagkamali. Kaya ang sabi nga sulit yata iyong pagpunta niya sa napakalayong studio na ginagamit ngayon ng show doon sa Cainta. Ang traffic pa naman doon sa lugar na iyon. Nadaanan lang namin ang studio nila minsang papunta kami sa Antipolo, kaya namin nalamang ganoon pala kalayo ang nilipatan nila mula sa Broadway.

 

Ngayon hindi pa nahahalata dahil sa umiiral na pandemic. Hindi pa normal ang kanilang show, kaya pinapahaba lang iyang Bawal Judgemental. Kung magiging normal na ang lahat at ganyan sila kalayo, ewan namin kung paano ang mga artistang kukumbidahin nilang guest sa kanilang show. Kailangan kung pupuntahan mo iyan maaga ka talaga dahil oras na mag-traffic diyan sa lugar na iyan, kung normal na ang buhay, ang hirap magpunta.

 

Pero going back to Gabby, suwerte siya talaga. At marami nga ang nagsasabi, kahit na sabihin mong ano na ang edad niya, mukhang matinee idol pa rin, at ganoon pa rin talaga ang tingin sa kanya ng fans. Iyon ngang leading ladies niya kasing bata na ng mga anak niya, pero nakakaya pa niyang dalhin dahil hindi siya nagmukhang matanda.

 

Marunong kasi si Gabby. Alam niyang ang hitsura niya ang puhunan niya kaya inalagaan niya nang husto iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …