Friday , November 22 2024

DOE pinaalalahanan at pinuri ni Sen. Go

KASABAY ng pagtiyak ng suporta sa panukalang  budget para sa Department of Energy, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa ahensiya na tiyakin ang kapakanan ng mga Filipino lalo ngayong panahon na may pandemyang CoVid-19.

 

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Go, dapat din purihin ang DOE dahil sa malaking papel nito sa pagtiyak ng paglaban ng pamahalaan sa CoVid-19 partikular sa mga ospital.

 

Tinukoy ni Go ang Department Circular no. ng DOE o ang pag-rationalize sa paggamit ng Energy Regulation o ER1-94 ng mga local government unit sa pagtugon sa CoVid-19 health emergency.

 

Ipinaliwanag ni Go, nasa P2.43 bilyon ang nailipat sa ilang LGUs sa buong bansa mula sa ER 1-94 funds para magamit sa kinakaharap na pandemya ngayon ng bansa.

 

Kabilang sa mga pinaggamitan ng pondo ang mass testing, emergency subsidy, suporta sa mga feeding program, pagbili ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa medical frontliners, pagbili at pagpapatayo ng medical facilities, tents, quarantine centers, electricity cost subsidies, cremation  at burial services sa mga biktima ng CoVid-19

 

Kinompirma rin ni Go na bilyong piso mula sa energy sector tulad ng National Power Corporation, National Electrification Authority, at Philippine National Oil Company ang nai-remit sa Bureau of Treasury  bilang tugon sa CoVid-19 pandemic.

 

Pinasalamatan ni Go ang energy sector sa pagbibigay ng palugit sa naghihirap na mamamayan mula sa kanilang bills habang mayroong krisis.

 

Nanawagan si Go sa energy sector lalo sa distibution utilities na balansehin ang kita at serbisyo sa publiko dahil hindi naman madadala ang sobrang pera sa kabilang buhay. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *