Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, 14 yrs. ang hinintay bago nagbida

SOBRANG saya ni Ynna Asistio dahil after 2 1/2 years ay muli siyang nakabalik sa pag-arte. At hindi lang basta pag-arte dahil bida pa siya sa kauna-unahang drama series ng Net 25, ang Ang Daigdig Ko’y Ikaw with Geoff Eigennman.

After 14 years, ito ang kauna-unahang pagbibida ni Ynna sa isang drama series simula nang pinasok ang pag-aartista.

Kuwento ni Ynna, nag lie-low siya sa showbiz , “Yes po two and a half years po ako nag-lie-low kasi nag-concentrate sa family and also sa jewelry business and first lead role in 14 years.”

Dagdag pa nito, “Answered prayer po! Kasi part ito ng prayer list ko ng June na sana magka-lead role na ako at ayan po nangyari na.”

First time rin niyang makakatrabaho si Geoff at bilib ito sa sobrang professional ng actor, down to earth, at madaling katrabaho.

“Sobrang nakakatuwa kasi ang dali niyang katrabho and comfortable ako agad sa kanya.

“Nakasama ko na siya sa GMA before pero guest lang ako or sa ‘Party Pilipinas kumakanta po kami, pero ‘yung work na ganito first time. 

“Napakagaan niya katrabaho and napaka-down to earth, so hindi ako nahirapan kasi give and take kami talaga sa acting. Nagtutulungan kani pati ‘yung buong cast and si direk Edong din.”

Ito ang muling pagbabalik sa showbiz ni Ynna, pero hindi naman nito pababayan ang kanilang jewelry business. ”Yes as of now po magko- concentrate ulit ako sa acting pero on going pa rin ‘yung jewelry business kahit andito po ako, since online na naman lahat. Bale Certified Diamond Grader na rin po ako now specializing in engagement ring and wedding rings at Radiant Jewelry po ang name ng jewelry business namin.”

Makakasama nina Ynna  at Geoff sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Elizabeth Oropesa, Tanya Gomez, Richard Quan, Adrian AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Arielle Roces, Jiro Custodio, Shiela Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Manolo Silayan, Myrna Tinio, at Jellex David.  Mapanood ito sa November 14, Saturday, 8:00 p.m. at may replay ng Sunday, 5:30 p.m. sa Net 25 mula awardwinning director, Eduardo Roy Jr.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …