Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, pigil at ingat sa pagbabalahura (Ngayong nasa A2Z na ang It’s Showtime)

NAPAPANOOD na uli ang It’s Showtime on the air. Inaasahan naming lalabas na sila ang number one sa kanilang initial telecast sa survey ng Kantar Media, dahil siyempre isasaalang-alang din ang claim ng ABS-CBN na 30 milyon ang subscribers nila sa social media. Kung ganoon nga, kung iisipin mo hindi na nila kailangang bumalik on the air. Isipin mo iyong 30 million audience. Pero iyang ganyan kasi ay hindi kinakagat ng mga advertiser, kasi hindi nga batayan iyang social media. Mas nagbabase pa rin sila sa lehitimong media, kagaya nga ng on the air broadcast at mga diyaryong in print.

Pero marami ang nakapansin, mukhang masyadong maingat si Vice Ganda. Hindi siya puwedeng magbalahura kagaya niyong dati, dahil naka-blocktime sila sa Zoe na ang may-ari ay isang religious organization, iyong JIL. Kinuku­westiyon na nga kung papayagan ba ng JIL ang ganyan dahil labag daw sa kanilang doktrina ang pagkun­sinti sa kabaklaan.

Ha­bang palabas pa naman ang It’s Showtime, nag-post ng isang video ang anak ni Bro. Eddie Villanueva na pinanonood niyon ang nasabing noontime show. Kaya dapat talaga kumalma si Vice Ganda dahil kung hindi, baka iyon ang kanilang maging katapusan, lalo na nga’t nagpaparinig na laban doon ang isa pang “born again” leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

May lumabas pa ring problema, dahil iyang Zoe ay hindi digital kundi analog broadcast, hindi mapanood ang kanilang channel sa TV Plus. Kaya ang suggestion naman, gamitin ang antenna ng TV Plus, ikabit ng diretso sa TV nang hindi daraan sa digital receiver, at ilagay sa Channel 11 para mapanood ang Zoe TV, na A2Z na ngayon.

Ang tanong, hanggang kailan kaya makapagpipigil si Vice sa kanyang pagbabalahura, eh iyon ang talagang brand ng kanyang comedy simula noon pa. Kung gagawin naman niya iyon dahil doon na rin nasanay ang publiko, papayag ba naman ang JIL na mailabas iyon sa kanilang estasyon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …