Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton Start, balik-estudyante

BALIK-ESTUDYANTE muli ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor at CNHP ambassador na si Klinton Start via online class.

College na si Klinto at excited na siyang magbalik eskuwela lalo’t naantala ng apat  na buwan bago nagsimula ang klase dahil na rin sa Covid-19 pandemic.

Ang akala ng guwapitong binata ay magiging normal na ang schooling niya ngayong nasa kolehiyo na siya pero online rin pala sila.

Ayo lang naman ito kay Klinton dahil ang mahalaga ay nakapag-aaral pa rin siya.

“Actually May pa lang excited na po ako pumasok sa school kasi lalo na’t first year college na po ako.

“Pero dahil nga po sa Covid-19 na-adjust ng na-adjust ‘yung klase, hanggang naging online schooling na siya at noong September kami nagsimula.

“Pero okey na rin po ‘yung para sa safety na rin po ng mga estudyante at least po nakakapag-aral pa rin kahit may pandemya.

“Malay po natin, bago matapos ang taon or by 2021 okey na po lahat at back to normal na tayo.”

Ang pag-aaral muna ang pinagtutuunan ng pansin ni Klinton habang hindi pa nagre-resume ang kanilang variety show sa IBC 13, ang SMAC Pinoy Ito!

Abala rin ito sa pag-eendoso ng CNHP, Ysa Skin and Body Experts, H & H Makeover Salon at isang pang international magazine (PulchritudeJuvenis).

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …