Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Expropriation” ng PECO assets pabor sa MORE (Kinatigan ng korte)

LAHAT ng distribution assets ng dating electric utility na Panay Electric Company (PECO) ay maaari nang legal na bilhin ng bagong power firm sa Iloilo City na More Electric and Power Corp (More Power) matapos ipag-utos ng Iloilo City Regional Trial Court na isama ang iba pang assets ng kompanya sa inihaing writ of possession (WOP).

Sa 22-pahinang desisyon ni Iloilo RTC Judge Nestle Go, kinatigan nito ang mosyon ng More Power na isama maging ang Category C assets ng PECO sa WOP na una nang ipinalabas ni Iloilo RTC Judge Emerald Requina Contreras noong Pebrero 2020.

Ang WOP na ipina­labas ni Judge Contreras ay unang hakbang para sa expropriation ng assets ng PECO matapos bawian ng prankisa at ibigay ang 25-taong legislative franchise sa bagong distribution utility na More Power sa bisa ng isinabatas na Republic Act 11212.

Matatandaan, sa ilalim ng prankisa ng More Power ay binibigyan ito ng kapangyarihan na mai-expropriate ang distribution assets at facilities ng PECO sa layunin na masigurong walang pagkaantala sa power supply service sa lalawigan.

Sa ilalim ng WOP na ipinalabas ni Judge Contreras ay hinati nito sa tatlong kategorya ang assets, kasama sa Category A at B ang mga substations sa La Paz, City Proper, Jaro, Molo, at Mandurriao substations; ang Meter Lab at Power Plant Building at ang  Switchboard House na nasa General Luna Street.

Habang kasama naman sa Category C ang  business building office ng PECO, elevator, at parking lot sa General Luna Street, City Proper; 769-square meter lot sa General Hughes, City Proper; isang 2,401-square meter lot na ginagamit bilang pole stockyard sa Diversion Road, San Rafael, Mandurriao, at dalawang guest/staff houses at semi concrete canteen sa General Luna Street, City Proper.

Hinarang ng PECO ang pagkuha ng kanilang assets sa ilalim ng Category C ngunit sa ipinalabas na desisyon ni Judge Go sinabi nitong ang ari-ariang nabanggit ay mahalaga para sa operasyon ng kompanya.

“Category C properties are necessary for the maintenance and operation of the distribution systems thus the issuance of a writ of possession over the same is in order,” nakasaad sa desisyon ng hukom.

Sinabi ni Judge Go, hindi kailangan ng isang full-blown trial ukol sa nasabing kaso dahil maaaring magpalabas ng order of expropriation ang korte.

Samantala sinabi ni More Power Legal Counsel Atty. Allana Mae Babayen-on, ang assets sa ilalim ng Category C ay kailangan para sa operasyon ng power firm lalo’t nakatuon sila sa pagdadagdag ng substations at maga­gamit ang mga lupain a­t mga gusali para rito.

Kasunod ng naging desisyon ng korte, sinabi ni Babayen-on na hihintayin nila ang Court sheriff na i-turnover sa More Power ang mga asset na nasa Category C gaya ng naging proseso ng expopriation ng iba pang assets ng PECO.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …