Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suporta pabor kay Cayetano (Sa isyu ng speakership)

ANIM na kongresista pa ang nadagdag sa mga naniniwalang si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang dapat na mamuno sa kanila habang nasa gitna ng budget deliberation ang kamara.

Sa kabuuang bilang, lomobo sa 190 ang mga kongresista na sumusuporta sa pamunuan ni Cayetano sa gitna ng pagpupumilit ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ipatupad ang term-sharing para maupo siya bilang speaker sa darating na 14 Oktubre 2020.

Tahasang sinabi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte, ang 190 solons ang nagdesisyon na suportahan si Cayetano para patuloy na pamunuan ang kamara.

Ani Villafuerte, sila ay pabor kay Cayetano sakaling ‘magkabotohan’ sa 14 Oktubre kaugnay ng gentleman’s agreement na term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Habang sinasabi ni Villafuerte na umabot na sila sa 190 solons, inupakan niya ang sinasabi ng kampo ni Velasco na nakuha nila ang suporta ng buong partylist group at PDP Laban solons.

Taliwas ito sa paniniwala si Villafuerte na si Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, at iba pang partylist solons ay supporters ni Cayetano.

Nagalit si Villafuerte nang isama si Senior Citizen Partylist Rep. Jun Datol sa listahan nina Velasco kahit ito’y namayapa na dahil sa CoVid-19.

Pero ayon sa kampo ni Velasco, wala namang masama kung isama nila sa bilang si Datol dahil talaga namang sinsusuportahan sila.

Dapat umanong magalit sina Cayetano at Villafuerte kung ‘makaboboto pa’ si Datol.

Maging sina Deputy Speakers Johnny Pimentel at Dong Gonzales na kapwa kasapi ng PDP Laban ay sinabing kay Cayetano sumusuporta.

“They say that they have the full backing of both the partylist bloc and PDP-Laban, when we all know that it is impossible since Congressmen Defensor and Marcoleta, as well as other partylist reps, have voted to reject the resignation of Speaker Cayetano. What’s even worse is that they still count Rep. Datol who passed away last month among those who they claim will vote for Velasco. This is the same with Deputy Speakers Johnny Pimentel and Dong Gonzales of PDP-Laban, who together with several of their party mates have indicated their support for Speaker Cayetano,” ani Villafuerte.

Babalik aniya sa kampo ni Velasco ang mga ‘kasinungalingan’ na kanilang ipinalalabas sa media.

“All this lying is bound to catch up with them sometime. Especially since we already have 190 real, actual, living members who have reaffirmed their support for the Speaker.”

Idinagdag ni Villafuerte na inaasahang lolobo pa hanggang 220 o mas higit pa ang mga kongresista na susuporta kay Cayetano bago ang 14 Oktubre.

“At least 30 more who have indicated that they will support Speaker Cayetano should it come to a vote following the President’s statement that he will not intervene in the choice of individual members,” dagdag ni Villafuerte.

Una nang sinabi ni Deputy Speaker Boyet Gonzales, malinaw na ‘fresh mandate’ ang nakuha ni Cayetano nang ibasura ng 184 solons ang inialok na pagbibitiw noong nakaraang linggo.

“Speakership is numbers game,” ayon kay Gonzales tungkol sa patuloy na pag-aambisyon ni Velasco na maging lider ng kamara sa kabila na sinabi mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘stay-out siya sa leadership isyu dahil ito ay ‘purely internal matter.’

Tahasan din sinabi ni Deputy Speaker Fredenil Castro na kahit araw-araw mag-resign bilang Speaker si Cayetano, araw-araw din nilang tatanggihan at ibabasura ang pagbibitiw nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …