SA isang inuman, nagkukuwento raw ang isang dating male sexy star tungkol sa producer ng kanyang ginawang pelikula noong araw na isa palang closet queen. Kinausap daw siya ng producer at sinabing bibigyan siya ng todo build up. Pero kailangan maging boyfriend siya niyon. Papayag na rin daw sana siya sa kagustuhang sumikat, pero nagkuwento sa kanya ang isa pang male bold star kung ano ang ginagawa ng klosetang producer sa mga lalaking pumapatol sa kanya.
Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi na niya itinuloy ang kanyang career. Lumayas nga raw siya kahit na hindi pa tapos at hindi rin siya nabayaran sa pelikulang ginawa niya. (Ed de Leon)