PATULOY ang paggawa ng mga produktong makatutulong sa ating mga kababayang Filipino sa bansa o maging sa mga Pinoy sa ibang bansa ang CE0/President ng CNHP (CN Halimuyak Pilipinas) na si Nilda Tuason lalo na ngayong nariyan pa rin ang Covid-19 pandemic.
Ayon kay Tuson, “Hindi ako titigil na gumawa ng mga produktong Pinoy na makatutulong sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa lahat ng Pinoy sa buong mundo.
“Sa maliit man na paraan ay maka-ambag ako para sa safety ng mga Filipino.”
Gumawa si Tuazon ng mga produktong tulad ng alcohol, disinfectant, sanitizer atbp. na ipinamamahagi niya sa mga frontliner, ospital, eskuwelahan, at bara-barangay sa buong Pilipinas para makatulong.
Ibinebenta rin nito ang kanyang produkto sa mababa at abot kayang presyo para lahat ay makagamit at ang ilang porsiyento ng kita nito ay ibinabahagi pa rin niya sa mga kababayan nating naghihirap dahil sa pandemya.
“Gusto ko lahat ng Filipino maging safe sa virus, kaya gumawa ako ng produkto katuald ng alcohol, sanitizer atbp. na affordable ang presyo para lahat makagagamit.
“At sana maraming bumili ng mga produkto ng CNHP para mas marami pa tayong mga kababayan nating hirap dahil sa pandemya ang matulungan.”
At ngayon nga ay may tinatapos na produkto si Tuason na malaki ang maitutulong sa ating bansa at sa ating mga kababayan sa gitna ng Covid -19 pandemic.
MATABIL
ni John Fontanilla