PINASAYA nina Shalala, Ima Castro, at ng Barangay LS DJ at DZBB anchor, Janna Chu Chu ang kaarawan ng CEO/ President ng Intele Builders Development Corporation na si Pete “Rancho” Bravo na ginanap kamakailan sa kanilang opisina sa Quezon City.
Wish ni Bravo sa kanyang kaarawan ang pagkakaroon ng mahaba at masayang buhay at matagumpay na negosyo para mas marami silang matulungan ng kanyang asawang si Tita Cecille ng mga kababayan natin.
“Long Life, good health and more happiness sa akin at sa aking pamilya,” ani Bravo. “At magkaroon ng matagumpay na negosyo para mas marami pa tayong matulungang mga kababayan natin lalo na ngayong may pandemiya.”
Likas na matulungin at bukas ang palad sa pagtulong ang mag-asawa, may pandemya man o wala. Ilan sa mga natulungan nila ang mga frontliner, ospital, eskuwelahan, at iba pa.
Present ang buong pamilya ni Bravo mula sa kanyang maybahay, mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel, at Mathew sa birthday celebration.
Dumalo rin sina Raymund Saul, Arlene Ong and Wilson Ong with daughter Ysabelle, Benjie “Ninong” Montenegro, Erlinda “Ninang” Sanchez, Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Atty. Liz and Zander, Jolo and Merika and Catherine Montero Sicam.
Naway matupad ang birthday wish ni Tito Pete para mas maraming mga Filipino ang kanilang matulungan.
MATABIL
ni John Fontanilla