Friday , December 27 2024

DITO CELL TOWER SA MILITARY CAMPS ‘TULAY’ NG CHINESE HACKING, ESPIONAGE – CPS CHAIR

MARIING inihayag ni Citizens for Philippine Sovereignty (CPS) chair Neri Colmenares na magiging marupok o vulnerable ang puwersa militar ng bansa sa hacking at espionage ng China dahil sa memoramdum of agreement na nagbibigay daan sa Dito Telecommunity na magtayo ng cellular towers sa loob ng mga kampo ng pulisya at sandatahang lakas ng Filipinas.

Ang Dito, 40 porsiyentong pag-aari ng state-owned China Telecom, ang tinukoy ni Colmenares na magiging ‘tulay’ ng hacking at paniniktik kahit sa malayuan sa pamamagitan ng kanilang cell towers sa loob ng Philippine military at police facilities.

Ang isyu sa security risk na dala ng state-owned Chinese businesses sa bansa ay magpapatuloy dahil umano sa nangingibabaw na pangamba at takot ng China na masapawan ng Estados Unidos ang kanilang ambisyong kontrolin ang mga Filipino.

Tinukoy mismo ng National Cybersecurity Plan (NCP) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tinawag na ‘key areas in the online environment for cybersecurity’ at sinabing “paramount concern is the intrusion, through a MOA between the AFP and Dito/China Tel, of state-owned businesses into military bases, police camps, government facilities and their outlying areas within their localities.”

Upang maibsan umano ang takot sa posibleng cyber espionage ng mga dayuhan sa seguridad ng bansa, maging ang paniniktik sa mga pribadong buhay ng mga Filipino, inihayag ni Dito chief administrative officer Adel Tamayo ang pakikipagtulungan ng Dito-ChinaTel sa United States cybersecurity firm na Fortinet.

Ngunit hayagang sinabi ng advocacy group na hindi maiibsan ang naturang pangamba sa cyber espionage dahil sa dalawang batas sa China na nag-uutos sa kanilang mga negosyo sa labas ng bansa, ‘tulad ng ChinaTel, na mangalap o maniktik ng mga impormasyon – ang China’s National Intelligence Law of 2017 at ang kanilang Counter-Espionage Law of 2014.

Isang mobile security firm na kung tawagin ay Zimperium ang nakatuklas sa pananaliksik nito na umano’y “potential security issues exist in cell towers or base transceiver stations (BTS) which can allow hackers to remotely hijack the entire cell phone tower.”

Ang Zimperium, na kilala bilang global leader sa larangan ng mobile security, ay natuklasan na ‘bugs’ in a main BTS software service can open the device to external connections, allowing hackers to reach the BTS transceiver via the internet.”

Isa pang multinational software provider, Checkpoint Software Technologies Ltd., ang nauna nang nakatuklas na umano’y gumagamit ng mga ‘rogue cell phone towers’ ang mga Chinese hacker upang mamahagi ng Android banking malware sa pamamagitan ng mapanlinlang na text messages sa layuning masabotahe ang industriya ng mga banko.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *