MATAGAL na rin namang walang trabaho si male star at sa ngayon sinasabing binubuhay niya ang kanyang pamilya sa paggawa ng tinapay. Ewan kung mayroon na nga ba siyang maliit na panaderya. Pero hindi sa panaderya nabubuhay ang actor, sabi ng isa naming source. Kasi sinasabing every now and then, nakikita siyang bumibisita sa bahay ng isang politician na kilala namang “gay.” Ang suspetsa ng mga kapitbahay, ang gay politician ay lover ng male star, at iyon ang dahilan kung bakit kayang-kaya niyang buhayin nang marangya ang kanyang asawa at dalawang anak.
Minsan may mga taong napipilitan talaga sa hindi magandang sideline, lalo na kung wala naman talagang mapagkukunang iba. (Ed de Leon)