HINDI lang tungkol sa pag-iibigan sa panahon ng pandemya ang bagong seryeng I Can See You: Love On The Balcony na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Kuwento ni Jasmine na gumaganap bilang nurse na si Lea Carbonel, nagbibigay-kaalaman din ito sa buhay at pagsubok na kinakaharap ng ating medical frontliners.
Makikilala niya ang karakter ni Alden na si Gio, isang wedding videographer, at uusbong ang pag-iibigan ng dalawa. “What makes Lea, my character, interesting I think for the audience is the insight sa pamumuhay ng frontliners ngayon. Kung paano nila tinatanggap ‘yung, I guess, pambabatikos dahil may discrimination din because they are exposed to the setting of the hospital.”
Ang Love On The Balcony ang unang story mula sa apat na mini-series ng drama anthology na I Can See You na kasama nina Alden at Jasmine sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda