Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cast ng PrimaDonnas, maingat na sinusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield

NAGSIMULA na ang lock-in taping ng cast members at production crew ng GMA Afternoon Prime drama series na PrimaDonnas. Makikita sa photos na ibinahagi ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang si Lady Prima Claveria, ang masayang reunion ng cast sa kanilang unang araw ng lock-in taping.  Mapapansin din na maingat na sinusunod ng cast ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield bilang proteksiyon.

 

Sa video rin na ipinost ng isa sa mga Donnas na si Althea Ablan ay makikitang layo-layo ang cast habang wala pang kinukunang eksena. Maging ang direktor ng teleserye na si Gina Alajar ay nakasuot din ng tamang protective gear. Bago bumalik ng taping ay sumailalim din sa swab testing ang lahat ng bumubuo sa serye.

 

Habang kasalukuyang abala ang cast sa pagte-taping para sa fresh episodes ng PrimaDonnas, mapapanood ang catch-up episodes nito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …

Rita Daniela Viva

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist …

Arjo Atayde

Arjo Atayde: Turismo sa pelikula at telebisyon kayang iangat ang Pilipinas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANINIWALA si Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang turismo sa pelikula at …

Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na …