Friday , November 15 2024

STL start na ulit ngayon… peryahang bayan suspendido pa rin ba?

SA ARAW NA ITO, 1 Oktubre 2020, lalarga na uli ang palarong (legal na sugal) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) – ang Small Town Lottery (STL). Magandang balita iyan sa mga kababayan natin na umaasang yumaman sa sugal. Alam n’yo naman ang nakararaming Pinoy, ang kanilang katuwiran ay “malay mo, baka suwertehin tayo.”

Well, malay mo nga naman.

Pero siyempre, higit sa lahat na magiging masaya sa pagbabalik operasyon ng STL ay ang mga gambling lord ng “bookies” ng STL maging ang ilang legal na operators nito na hindi lahat ng kobransa ay ipinapasok sa PCSO. Yes, sila-sila mismo ang nagbo-bookies kaya malaki ang nawawala sa PCSO.

Bagaman, hindi lang ngayon nagsimula o nagbalik operasyon ang STL simula nang pansamantalang itinigil ito noong Marso 2020 dahil sa lockdown sa bansa sanhi ng pandemya, at sa halip 16 Setyembre 2020 ay nagbukas na ito sa ilang lalawigan tulad ng Ilocos Norte at Nueva Vizacaya.

Pero ngayong araw, magsisimula na rin ang operasyon ng natitirang 53 STL areas.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma magbubukas na ang natitirang 53 STL areas matapos aprobahan ni President Digong ang 2020 revised Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Tandaan ha, ang ating mahal na Pangulong Digong ay nagbigay na ng basbas.

Siyempre dahil kakaiba ang panahon ngayon, pinaalalahanan ni Garma ang authorized agents corporation (AACs) na maging masunurin sa pagsunod sa mga alituntunin ng PCSO, lalo sa aspekto ng health protocol ng gobyerno. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na nariyan pa rin ang nakamamatay na ‘veerus.’

Dagdag ni Garma, sa pagbubukas ng STL, magkakaroon din ng standardized schedule ang lahat ng STL draws para sa winning combination nito.

Ang first draw ay tuwing 10:30 a.m.; second draw ay 3:00 p.m. at ang last at third draw ay 7:00 ng gabi. Kaya, tuloy-tuloy na ang pagyaman ninyo mga kababayan este, ang pagtulong ninyo sa mga kababayan nating nangangailangan ng “medical/hospital financial assistance.” Ang ibig kong sabihin…sa bawat taya ninyong sentimo ay marami na kayong matutulungang mga kababayan natin. Batid naman natin kung ano ang misyon ng PCSO — charity.

Ops teka nga pala, Madame Royina, clarification lang po. Hindi ko naman sinasabing ilegal ang Perya ng Bayan “Peryahang Bayan” na isa sa palaro ng ahensiya. Alam kong legal ito dahil nga may prankisa mula sa PCSO.

Matanong ko lang kasi…nang magbukas ang operasyon ng lotto nitong Agosto 2020, makalipas ang ilang araw/linggo ay nagbukas na rin ang operasyon ng Perya ng Bayan sa Metro Manila. Oo, legal ang Perya ng Bayan pero, binigyan n’yo na ba Madame Royina ng go signal na magbukas ito? Kung hindi man kayo Madame, may go signal na rin ba ang Pangulong Duterte para sa muling pagbubukas ng Perya ng Bayan katulad ng ginawa ng Pangulo sa STL?

Uli, hindi ko naman kinukuwestiyon ang  legality ng PnB, batid ko ngang legal ito pero, hindi ba noong 5 Pebrero 2020 ay nagbaba kayo Madame ng isang kautusan na suspendido muna ang operasyon ng Perya ng Bayan “Peryahang Bayan?” Nasa website pa nga ng PCSO “PCSO.gov.ph” ang kopya ng memorandum para sa suspensiyon ng operasyon ng PnB, kaya ang tanong ko ay binawi na ba ninyo ang suspensiyon para sa operasyon ng PnB o Peryahang Bayan?

Binawi na po ba ninyo Madame Royina ang kautusan kaya, hayun nagpapalaro na uli sa iba’t ibang sulok ng Metro Manila ang Perya ng Bayan? Bukod sa nauna pa silang nagpalaro kaysa STL?

Sa Southern/Central Metro Manila, may larong PnB na. Oo nga’t legal ang PnB, may lisensiya kung baga pero, ang tanong dito…ay may kautusan na ba mula sa PCSO na aprobado na rin ni PDigong ang operasyon nito? Bukod sa binawi na ba ninyo Madame ang suspension order ninyo laban sa Peryahan Games?

Sa pagsaliksik ko sa website ng PCSO, wala po akong nakitang naka-post na memorandum para sa pagbawi sa suspension order bagamat ang naroon pa rin ay ang suspension order na dated February 5, 2020…nakasaad dito ay “This is to inform the public that effective February 6, 2020, the operation of Peryahan Games is suspended until further instruction from the Office of the President. Pirmado po ni Madame Royina ang memorandum.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *