Thursday , December 26 2024
bagman money

“Alyas Trouble” kolektor nga ba ng CIDG CamSur?

HINDI nakapagtataka kung bakit ‘mapula ang hasang’ ng mga ilegalista sa Camarines Sur.

Mayroon daw kasing nagpapakilalang ‘sugo’ siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Sur at inatasang maging ‘kolektor.’

Ang tindi ng pakilala.

“Ako si Lorenzo, alyas Trouble, tubong Ragay CamSur. Mula ngayon sa akin na kayo maghahatag!”

Hak hak hak!

Ang tapang! Ang tapang ng apog, bwahahah!

By the way, ang kausap daw noon ni alyas Trouble ay mga buli-buli (illegal fishing) at troll.

Sabi raw nitong si Boy Trouble, lahat ng ilegal na pasugalan hawak niya. Tupada, mahjong, saklaan. Pati drugs umano siya ang dinaraanan.

Heto ngayon, si alyas Trouble ay hindi pala totoong lespu?!

Wattafak!

Lespu lang daw kung makatingin pero bogus ang tsapa na mukhang pinukpok na lata.

Ang lakas ng loob talaga at ang tapang ng apog. Kanino kaya siya nanghihiram ng mga ganyang katangian?!

E kaya naman pala hindi masawata ang illegal vices at illegal fishing dahil sa pekeng pulis na nagmamalaking hawak siya ng CIDG Bicol.

Tuwing malalasing umano, ipinagmamalaki na kolektor siya at maingay na iniyayabang na lahat ng ilegal pati paihi ng diesel sa Andaya Highway ay hawak niya.

Paldong-paldo si Boy Trouble!

Ayon sa isang impormante, mahilig daw tumambay sa sabungan at todo-balagbag ang boga sa wankata.

Walang kupas sa tapang ng apog!

PNP chief, Camilo Pancratius “Pikoy” Pascua Cascolan, baka maipangilak nga ng ‘pambaon’ ni Boy Trouble, pakusudsod nga po at paki-check lang ang hasang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *