Thursday , December 26 2024

Pastillas hearing tapusin na

SA TOTOO lang dapat siguro ay i-conclude na ni Senadora Risa ang ‘di matapos-tapos na hearing tungkol sa ‘pastillas’ sa airport.

Lahat ng sumusubaybay sa nasabing pandinig ay sinasabing wala nang excitement ang hearing dahil todo-piga na sa nag-iisa nilang witness na si Boy Pito!

Nagkakandabulol na nga sa kaiisip kung ano ang sasabihin.

Muntik pa nga tayong mahulog sa kinauupuan matapos natin marinig ang ‘grandstanding’ ng kolokoy at sinabing dapat ay magtulungan ang lahat upang umayos ang takbo ng lipunan at ng bansa?!

Sonabagan!

Hindi lang tayo muntik mahulog kundi nabilaukan pa!

Nakailan kayang ‘gramo’ ‘yang nagasalita na ‘yan?

Kundi pa kasama sa modus ang hindoropot ay maniniwala sana tayo na dalisay o busilak ang kanyang layunin.

Sus ginoo!

Wala tayong nakikita kundi isang tila musmos na hindi nabigyan ng lollipop kaya ngumangawa!

Sabi nga ng matatanda, ang tulisan daw alisan man ng baril at kabayo ay tulisan pa ring maituturing!   

Anyway, sinigurado ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkakaroon ng panibagong imbestigasyon sa kaso matapos masakote ang magkapatid na si NBI Legal Section Chief, Atty. Joshua Paul Capiral, at Immigration Officer Christopher John Capiral na kapwa arestado sa isang entrapment operation noong Lunes ng gabi bago pa man isinagawa ang senate hearing.

Ang dalawa ang sinasabing magkasabwat sa pag-areglo upang hindi maisama sa kakasuhan ang iba pang natitirang opisyal ng immigration sa airport na pinangalanan noon ni Chiong.

By the way, atin munang papurihan ang opisina ni NBI Special Action Unit ni Atty. Emeterio “Jun” Dongallo, Jr., sa kanilang mahusay na pagkakadakip sa mga gustong sumabotahe sa kaso nila.

Congrats, NBI-SAU!

Noon pa man ay nagdududa na raw ang opisina ng NBI-SAU kung bakit nagpipilit si Capiral na siyang nag-iimbestiga sa mga kaso na absweltohin ang ibang kasama sa asunto at tanging apat na tao lamang ang sasampahan ng kaso?!

Dito na nabuo ang hinala ng NBI-SAU at nagsagawa ng kanilang surveillance operations kung saan nakuhaan ng video ang pakikipagtagpo ni IO Christopher John Capiral sa 15 iba pang IOs sa isang restaurant na gustong umareglo sa kaso!

Suot kaya ni IO Capiral ang kanyang Rolex watch habang nagme-meeting sila?

Madalas raw kasi nakikita si IO Capiral na naka-Rolex  habang naka-duty sa airport?!

Sa isang complaint na inihain ni Immigration Officer Jeffrey Dale Ignacio, sinasabing hindi inabsuwelto ni Capiral datapwat nagbayad noong una kaya naman nagreklamo at ikinasa ang entrapment sa magkapatid na Capital ‘este’ Capiral!

So nangapital din pala kaya tumuga?!

Bigla tuloy sumagi sa ating isipan ang madalas nating mabasa sa mga pampasaherong jeepney…

God knows ‘hudas’ not pay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *