IBABABA ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila simula 1 Oktubre dahil sa patuloy na pagsadsad ng water level sa Angat Dam, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).
Itinuturing ang Angat Dam sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, na pangunahing pinagkukuhaan ng water supply sa Metro Manila ng mga water concessionaire sa lugar.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., ibababa ulit sa 44 cubic meters per second ang alokasyon sa Kamaynilaan.
“Considering the level of Angat Dam at around 3 meters below the minimum operating level of 180 meters and to manage the relatively low level of the dam, the Board approved the allocation of 44 meters per second for MWSS and 25 cms for NIA for the month of October,” pahayag ni David.
Noong Setyembre, ibinaba ng NWRB sa 46 cubic meter per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula 48 dahil sa pagbaba ng water level sa naturang dam. (MICKA BAUTISTA)