Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P30-M colorful dancing fountain sa Anda Circle masisilayan na (Maynila may bagong selfie area)

MASASAKSIHAN na ng mamamayan ang isang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nagkakahalaga ng P30 milyon — ang makulay na dancing fountain sa Anda Circle, Port Area, Maynila.

Ibinida ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na ang naturang proyekto ang bagong lugar sa Maynila kung saan puwedeng mag-selfie.

Tinawag na Rotonda Anda, ang naturang proyekto na nagsisilbing ikutan ng mga sasakyan mula Bonifacio Drive patungong Port Area, Navotas, Malabon, at Roxas Boulevard.

Personal na binisita ni Moreno nitong weekend ang lugar, ininspeksiyon at sinubok ang multi-milyong pisong color dancing fountain.

Inasistihan si Moreno nina city engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac at Department of Public Service chief Kenneth Amurao.

Pinasalamatan ni Mayor Isko si Amurao sa paglilinis ng lugar na tila naging tambakan ng basura at dumi ng tao mula sa mga palaboy.

Pinuri rin ni Moreno si Andres dahil sa total transformation ng lugar na hindi halos makikilala sa sobrang laki ng iginanda matapos ang rehabilitasyon.

Ibinida ni Andres, bukod sa major landscaping ay naglagay sila ng ilaw para sa mga motorista at pininturahan at ini-restore ang orihinal na kulay ng monument.

Nabatid na ang Rotonda Anda ay itinayo bilang pagkilala at parangal kay Simón de Anda y Salazar sa kanyang inisyatiba na tutulan ang pananakop ng  Britanya sa Maynila na nagsimula noong 1762.

Si Anda ay  Gobernador Heneral ng Filipinas mula  1770 hanggang 30 Oktubre 1776.

Nalaman na ang orihinal na monumento nito ay itinayo malapit sa Pasig River noong 1871 sa utos ni  Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre pero ito ay nasira nang husto noong World War II nang okupahin ng mga Hapon ang Maynila, kaya nilipat sa kasalukuyang lugar sa  Bonifacio Drive at ginawang  monumento matapos ang digmaan.

Ang Rotonda Anda ay boundary ng Intramuros at  Port Area at palitan sa kanto ng Bonifacio Drive, Mel Lopez Boulevard, Andres Soriano Avenue (dating Aduana) at Roberto Oca St. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …