Friday , November 15 2024

Marami pa sanang PPE ang nabili?  

PAGTITIPID at inilalaan ang pondo para sa CoVid-19. Iyan ang nakikita natin na ginagawa ng pamahalaan.

Katunayan, sa unang bugso ng pandemya at lockdown nitong Marso 2020, milyong piso o bilyon ang inilabas ng pamahalaan.

Ang malaking halaga ay kinabibilangan ng cash assistance sa sinasabing poorest among the poor (daw), relief goods, pagbili ng mga gamot na maaaring makatulong sa mga pasyente ng CoVid-19, pagbili ng mga kagamitan para sa ospital at pagbili rin ng PPE.

Hindi nga lang isang beses nagbigay ng SAP ang pamahalaan kung hindi, hanggang tatlong beses bagamat ang iba ay hanggang isa o dalawang SAP lang ang natanggap.

Malaking tulong ang P6,000 hanggang P8,000 cash assistance na ipinamigay ng gobyerno. At tulad ng nabanggit, malaking halaga ang inilabas ng pamahalaan, hindi barya ang pinag-uusapan dito.

Sa pondo na inilaan para sa pandemya, kabilang din ang pagbili ng personal protective equipment (PPE)  – napakaimportante ng kagamitang ito para sa mga frontliner sa iba’t ibang ospital ng pamahalaan – para sa proteksiyon nila laban sa virus para hindi sila mahawaan.

Kaliwa’t kanan ang pagbubigay at distribusyon ng pamahalaan sa milyon-milyong halaga ng PPE pero ano itong isyu na tila pinagkakitaan ang pagbili ng PPE?

Este, hindi naman pala pinagkakitaan kung hindi ‘overpriced’ daw ang presyo ng mga biniling PPE.

Ops, hindi po tayo ang nagsabi na overpriced ng P200 per unit ng PPE kung hindi si Sen. Risa Hontiveros.

Ang sinasabing overpriced na PPEs ay mula China o binili sa China.

Aba’y kung totoo ang natuklasan ng Senadora, malaking halaga nga ang nasayang o nawala sa pondo. Hindi lang isang piraso ang biniling PPE kung hindi milyong piraso marahil. Kaya kung kukuwentahin… magkano ang nawala o nasayang?

Ibinunyag ni Hontiveros, ang per unit ng PPE ay overpriced ng P200. Aniya’y umaabot sa P1 bilyon ang lugi ng pamahalaan. Dagdag ng senadora na kilalang isa sa tumutuligsa sa pamahalaang Duterte, ang halaga ng PPE, batay sa estimate ng Philippine­ General Hospital (PGH) ay nagkakahalaga ng P1,200 hang­gang P1,500 pero sa procurement (daw)  ng Department of Budget ay nagkakahalaga ito ng P1,700 hanggang P2,000.

P1 bilyon ang nawala?

 

Kung totoo man ito, aba’y maraming PPE ang puwede pang nabili para rito. Pero teka ba’t nga ba kailangan pang sa China bumili ng PPE samantala mayroon naman tayong produkto nito sa bansa…at for sure, kapag gawang Pinoy mas matibay kaysa gawang China.

 

Ano ba ang mayroon sa pagbili ng produktong Tsina kaysa gawa ng mga kilalang kompanya natin na gumagawa rin ng PPE?

 

Ano pa man, huwag naman sanang maging alibi ng administrasyon sa ibinunyag ni Hontiveros na kaya satsat nang satsat (o tinutuligsa ang pamahalaan) ang babaeng mambabatas ay dahil sa oposisyon ito at sa halip, dapat siguro ikonsiderang imbestigahan kung may katotohanan ang ibinunyag.

 

Imbestigahan para malaman kung mayroon ngang kumita o kung may katotohanan bukod sa…ikonsidera din sana sa susunod na pagbili na ibigay ang kontrata sa mga kompanyang Pinoy na gumagawa ng PPE.

 

Uli, kung totoo ang nawalang P1 bilyon, marami pa sanang PPE ang nabili nito para sa frontliners.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *