Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diño, may sariling opinion sa pakikialam ng MTRCB sa Netflix

MAY sariling opinyon ang masipag na chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño- Seguerra kaugnay sa plano ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-regulate na rin ang mga pelikulang ipalalabas sa iba’t ibang digital movie platform tulad ng Netflix atbp..

Ani Diño-Seguerra sa katatapos na zoom presscon para sa  magiging events ng SINE SANDAAN: THE NEXT 100“It’s an MTRCB call, but on the perspective of FDCP all of these platform right now have their own mechanisms for regulation.

“So, may mga control sila na ginagamit para to make sure na may classification ang panonood ng pelikula.

“Siguro on a very grounded perspective, ang nakikita ko lang talaga na hardship, just in case this will be put in place is madi-delay talaga ang pagpapalabas ng mga pelikula on the platform.

“’Yung mga ipalalabas ng September halimbawa, all over the world alam natin na worldwide, September siya ipalalabas, 

“Siguro hindi muna siya mapapanood after three months to four months, ‘yun ang nagiging setback, talagang nahuhuli sila pagpapalabas ng latest content ng platform na ito.

 

 “So, I think, it’s best to revisit and tingnan natin kung ano ba ang value versus the effect also of these kind of regulation.

Sa ngayon ay mas excited at mas gusto nitong bigyang pansin ang mga aktibidad na magaganap kaugnay sa pagtatapos ng selebrasyon ng Sine Sandaan.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …