Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Will Ashley, super saya pa rin ang ika-18 kaarawan

NAGDIWANG ng kanyang ika-18 kaarawan noong September 17 ang isa sa pinakagwapo at mabait na young actor ng Kapuso Network, si Will Ashley sa isang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Will, “Simple birthday celebration lang po! Kaunting salo- salo po. Dahil hindi nga pwede lumabas. What matters naman po is us healthy po. Pero ‘yun po bumili lang kami foods and kain kuwentuhan kasama family.”

Ibinahagi rin nito ang kanyang birthday wish, “Marami po akong wish! Good health and more blessings and birthdays to come hehehe. Basta po. MORE MORE BLESSINGS.”

Sa ngayon, hindi pa rin nakaBabalik sa pagti-taping si Will sa seryeng Prima donnas pero nasabihan na siya na by October ay magsisimula na muli siyang mag-taping.

Kaya habang nasa bahay ay ginagawa niyang busy ang sarili sa vlog,, Tiktok, at online school.

“Habang nasa bahay po ako nagba-vlog po ako. Nag-stream ng games and sa class ko po! And of course isa pa ’yung gym ko po.”

Dagdag pa nito, “Bawi na lang po next year po after this pandemic.”

At kahit nga may pandemya, naging sobrang saya at memorable naman ang selebrasyon ng kaarawan ni Will sa piling ng kanyang pamilya.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …