Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seksing katawan ni Julia, ibinuyangyang (igiit na ‘di siya buntis)

HINDI pinalampas ni Julia Barretto ang tsismis ng broadcaster na si Jay Sonza na siya ay nabuntis ni Gerald Anderson. Inilabas pa niya ang isang picture na sexy siya at litaw ang tiyan. Pero alam naman ninyo ang mahihilig sa tsismis, puwedeng sabihing lumang photo iyan.

Ewan kung ang ginawang denial ni Julia ay sasagutin pa ni Jay sa kanyang social media account, dahil doon sa kanyang balita ay parang siguradong-sigurado siya sa kanyang sinabi at pagtukoy sa kanyang “kapitbahay sa Toro Hills” na ama ng ipinagbubuntis umano ni Julia.

Kung sigurado si Sonza na mapagkakatiwalaan ang kanyang source, dahil siguro hindi naman niya ibubulalas ng ganoon iyon kung may duda siya kahit na kaunti man, aba eh tiyak na sasagutin niya ang denial ni Julia. Kung pagkatapos naman niyan ay mananahimik na lamang si Jay, baka hindi ganoon ka-reliable ang source niya tungkol sa kanyang kapit bahay.

Ang sinasabi pa nga nila ngayon, baka nalito lamang si Sonza at ang talagang tinutukoy na buntis ay si Janella Salvador, na ngayon ay nasa UK at sinasabi ring manganganak na sa susunod na buwan. Pero parang napakalayo naman ni Julia kay Janella. At saka bakit, kapitbahay din ba ni Sonza sa Toro Hills si Markus Paterson?

Aba eh hindi talaga natin malalaman ngayon kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Malalaman natin iyan sa pagdaraan ng panahon. Kung makalipas ang ilang buwan ay patuloy na naging visible si Julia at hindi naman lumaki ang tiyan, malabo ang pagbabalita ni Sonza. Pagdududahan na ngayon pati ang ibang ibinabalita niya.

Kung mawala naman si Julia pansamantala, tingnan natin kung ano ang dahilan. Basta sa ngayon wala tayong masasabi sa mga bagay na iyan.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …