Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arkin Del Rosario, inalok ng BL Series sa South America at Europe

NAG-UUMAPAW sa kasiyahan ang actor/singer at lead actor sa BL series na Boyband Love na si Arkin Del Rosario dahil kahit hindi pa naipalalabas ang kanyang pinagbibidahang BL series at teaser pa lang ang ipinakikita, dagsa na ang offer sa ibang bansa para roon gumawa  ng BL series.

Ilan nga rito ay mula sa mga bansang South America at Europe na inaalok ang serbisyo ni Arkin para magbida sa kanilang BL series.

Kuwento ni Arkin, “Nagugulat ako kasi kahit teaser pa lang ‘yung lumalabas sa BL series naming, ‘Boyband Love’ marami ng nagme-message sa akin sa ibang bansa lalong-lalo na sa South America na gumawa ng BL series doon.

“Pero kasisimula ko pa lang gumawa ng BL series dito sa Pilipinas, mas gusto ko munang mag-focus sa career ko rito sa Pilipinas and later on ita-try ko rin gumawa ng project sa ibang bansa.

“Hindi naman kasi ganoon kadali ‘yun na ‘pag inalok ka, kukunin mo na agad, marami pang bagay na dapat gawin, like kailangan mong pag- aralan ‘yung salita nila para magampanan mo ng tama ‘yung role na ibibigay nila sa ‘yo.

 

“Dapat handa ka, mahirap kasi na sugod ka lang ng sugod ng ‘di ka man lang naghahanda.

“Sabi ko naman sa kanila na kasisimula ko pa lang gumawa ng BL series sa Pilipinas kaya gusto ko munang dito muna mag-focus at naiintindihan naman nila. Who knows baka after ilang months lang sa kanila (South America, Europe ) naman ako gumawa ng BL series.”

Hindi naman isinasara ni Arkin ang pinto ng oportunidad na makagawa ng BL series sa ibang bansa, pero gusto niyang maging handa at nagawa na niya lahat ang mga proyekto niya rito sa Pilipinas.

Mapapanood ang Boyband Love sa September 19 sa Star Cast Entertainment Youtube Channel Film City.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …