Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan tuwing linggo ng umaga,  6:00-9:a.m. kasama ang masaya, makulit, at kuwelang tambalan nina Papa Ding at Janna Chu Chu.

 

Ayon kay Janna Chu Chu, “Napakadali lang mag-participate, makinig lang sila every Sunday morning from 6 to 9am sa programa naming UV Express (Unli-Videoke Express ) at puwede na nilang sabayan ang kanilang paboritong kanta.

 

“Paano? Madali lang magpa-reserve ng kanta, kailangan lang nilang pumunta sa FB Page ng Barangay LS (Barangay LS 97 ) at doon nakalagay ang aming digital song book.

 

“Pipili lang ng kanta at numero sa digital song book at iko-comment lang nila sa litrato namin ni Papa Ding ‘yung song at number ng kanta at kami na ang bahalang mag-play.

 

“At katulad ng sa KTV Bar, sinasabi rin namin kung sino ang nagpa- reserve ng kanta at ‘yung song na pinili niya and after the song mayroon ding score.”

 

Dagdag naman ni Papa Ding, “At hindi lang ‘yun, dahil sa programa naming ‘Unli-Videoke Express’ para ka talagang nasa loob ng KTV Bar dahil bukod sa puwede magpabati ng mga nagaganap o magaganap na selebrasyon sa iyong buhay o kahit kaibigan o kaanak mo, mayroon din kaming featured menu na talaga namang kakaiba na hatid ni Janna Chu Chu.

 

“Kaya naman sa mga nakaka-miss mag-videoke sa labas dahil bawal pa sa ngayon dahil sa Covid- 19 Pandemic, tumambay ka lang sa programa namin every Sunday dahil para ka na ring nag-videoke sa KTV Bar.”

 

Kaya naman para sa Unli na saya at Unli na musika, tutok na tuwing linggo, 6:00 to 9:00 a.m. kasama sina Papa Ding at Janna Chu Chu sa Programang Unli-Videoke Express or UV Express sa number one FM  Radio Station sa Mega Manila, ang Barangay LSFM 97.1 FOREVER.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …