Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bisikleta ni Bailey May, ninakaw ng 3 kalalakihan

SA panahong ito na napakaraming bisikleta dahil sa kulang nga ang transportasyon, marami rin siguro kayong naririnig na mga bisikletang nananakaw. Pero huwag na kayong magtaka, hindi lang naman sa Pilipinas nangyayari ang ganyan.

Natatandaan pa ba ninyo iyong sumali noon sa PBB na si Bailey May? Nagbibisikleta siya noong isang araw bilang bahagi ng kanyang daily exercise. Ginagawa naman niya iyon araw-araw. At siguro dahil nga ganoon, may naka-spot sa bisikleta niyang mamahalin. Nagulat na lang siya nang harangin siya ng tatlong malalaking lalaki at inagaw ang kanyang bisikleta.

Natakot si Bailey May na baka saktan pa siya, kaya ang ginawa niya ay pinabayaan na ang umagaw ng kanyang bisikleta at tumakbo na. At least hindi siya nasaktan at hindi rin nanakaw ang kanyang mamahalin ding cell phone.

Ipinagbigay alam nila iyon sa pulisya, at alam ba ninyong hanggang ngayon ay walang resulta? Ni wala pa ring suspect sa pang-aagaw ng kanyang bisikleta. Hindi kami magtataka kung iyan ay nangyari sa Tondo o sa Divisoria, pero iyan ay nangyari sa Norwich, England na roon naninirahan ngayon si Bailey May.

Isipin ninyo, kahit na roon may magnanakaw pa rin ng bisikleta? Kung sa bagay, hindi mo naman masasabing small time dahil mamahalin talaga ang bike ni Bailey May, pero ang punto riyan ay dumadami na nga ang mga magnanakaw, lalo na sa panahong ito ng pandemya na marami ang walang trabaho, medyo nagugutom na at ang naiisip ay magnakaw.

Ang leksiyon diyan, mag-ingat na rin tayo. Hindi dapat dumaan doon sa mga lugar na delikado, o iyong lugar na kung may mangyayaring ganyan ay walang makakikitang ibang tao. Mas safe pa rin doon sa mga dinaraanan ng ibang tao para kung may gumawa ng kalokohan, may makakakita.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …